Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 94,035 total views

Mga Kapanalig, 120 na bansang kasapi ng United Nations ang bumoto para sa isang resolusyong nananawagan ng “sustained humanitarian truce” sa Gaza, ang lugar na binomba—at patuloy na binobomba—ng Israel bilang ganti sa pag-atake ng Palestinian militants na Hamas. Tuluy-tuloy na tigil-putukan para sa proteksyon ng mga sibilyan ang hiniling nila upang maipasok ang mahalagang tulong para sa mga nasa Gaza.

Hindi kasali ang Pilipinas sa mga nagpasá ng nasabing resolusyon. Bagamat hindi naman tayo tumutol o kumontra, nag-abstain ang ating kinatawan sa UN. Kasama tayo sa 45 na bansang piniling hindi nanindigan para sa ceasefire. Paliwanag ni Permanent Representative of the Philippines to the United Nations Antonio Lagdameo, kaisa tayo sa mga panawagang ihatid ang tulong sa mga naaapektuhan ng gulo sa lalong madaling panahon. Gayunman, hindi raw direktang kinundena sa resolusyon ang terrorist attack ng grupong Hamas isang buwan na ang nakalilipas. Ito ang dahilan kung bakit tayo nag-abstain tayo sa isang mahalagang resolusyon.

Pinalampas ng Pilipinas ang pagkakataong manindigan para isang hakbang na pipreno sana sa digmaang pumatay na sa libu-libong Israeli at Palestinians. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa 1,300 na Israeli ang napatay, habang mahigit 7,000 na Palestinians naman ang nasawi. Nakapanlulumong isiping ganitong karaming buhay ang nawala sa loob lamang ng tatlong linggo, pero tandaan din nating sa tagal ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine, mas marami pa ang namatay. Dahil walang ceasefire, asahan nating madadagdagan pa ang mga biktima, lalo na’t ayaw papigil ng Israel sa pambobomba sa Gaza. 

Kung nanonood kayo ng balita, makikita ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga taga-Gaza. Wala silang tubig, pagkain, gamot, kuryente, at iba pang kailangan nila kahit para mabuhay lamang. Wala na silang tirahan, at sira din ang mga ospital. Maraming bata ang ulila na. Sa unang araw ng airstrikes na layong kubkubin ang kinalalagyan ng mga miyembro ng Hamas, nagpakawala ang Israel ng anim na libong bomba! Anim na libo, mga Kapanalig. Sa ginagawang pambobomba ng Israel, may kaibahan pa ba sila sa grupong ginagantihan nila? 

Totoong dapat kundinahin ang Hamas na nasa likod ng mga pagpatay sa mga inosenteng mamamayan ng Israel. Karapatan din ng Israel na depensahan din ang mga mamamayan nito mula sa mga grupong naghahasik ng karahasan, pumapatay sa mga bata, at umaabuso sa mga babae. Ngunit tandaan nating naiipit sa gitna ang mga taong inosente, at sa isang digmaan, sila ang unang-unang matatamaan. Buhay ang kapalit ng mga nagmamatigas na partido, ng mga ayaw magpakumbaba, ng mga ayaw makinig sa katwiran. 

Sa ganitong sitwasyon, ang ibang bansa ay hindi dapat nanonood lamang. Kung sasangguni tayo sa Catholic social teaching na Deus Caritas Est, isang ensiklikal ng yumaong si Pope Benedict XVI, ipinaaalala sa ating ang pagmamalasakit sa ating kapwa ay lumalampas sa hangganan ng ating bansa. Lalo pa ngang dapat lumawak ang abot-tanaw ng pagmamalasakit na ito sa buong mundo. 

Ang ating kinatawan sa mga pandaigdigang organisasyon, katulad ng UN, ang may tungkuling ipaalam sa mga mamamayan sa ibang bansa ang ating malasakit sa kanila. Naipakita sana natin ang malasakit na ito sa resolusyon ng UN na nananawagan ng sustained humanitarian truce sa Gaza. Anuman ang pakinabang na natatanggap natin mula sa ugnayan natin sa Israel—katulad ng modernisasyon ng ating sandatahang lakas at ng paghahanapbuhay doon ng marami nating OFWs—nakita rin sana natin ang halaga ng buhay at dignidad ng mga inosenteng sibilyang tila unti-unting binubura sa mundo.

Mga Kapanalig, “mapapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan.” Ito ang pangaral ni Hesus sa Mateo 5:9. Hindi lamang ito para sa bawat isa sa atin; ito ay para din sa mga bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,016 total views

 23,016 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 37,672 total views

 37,672 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,787 total views

 47,787 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 57,364 total views

 57,364 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,353 total views

 77,353 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 23,017 total views

 23,017 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,501 total views

 2,501 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 37,673 total views

 37,673 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,788 total views

 47,788 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 57,365 total views

 57,365 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,354 total views

 77,354 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,022 total views

 48,022 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,047 total views

 43,047 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,616 total views

 46,616 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,071 total views

 59,071 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,138 total views

 70,138 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,457 total views

 76,457 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,068 total views

 81,068 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,628 total views

 82,628 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,189 total views

 48,189 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top