16,107 total views
Tiniyak ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pananatiling matatag ng ekonomiya ng Pilipinas laban sa anumang banta partikular sa El Niño phenomenon.
Ito ay sa kabila ng pagbaba ng inflation rate noong nakaraang buwan ng Oktubre na umabot sa 4.9% kumpara sa naitalang 6.1% sa nakalipas na buwan ng Setyembre.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, patuloy na binabantayan ng ahensya ang pananatiling mababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
“Moreover, it is important to ensure that the most vulnerable sectors of the society are protected and provided assistance, especially while food prices remain high and we expect El Niño to affect local and global food production,” mensahe ni Balisacan sa Radio Veritas.
Pinuri naman ni Balisacan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng food stamp sa mga mahihirap.
Upang tugunan ang suliraning dulot ng tagtuyot sa mga mahihirap ay itinatag ng Department of Agriculture ang Taskforce El Niño.
“While we are providing short-term measures to address effects of inflation through subsidies and importation, we also need to address long-standing challenges in agriculture and food supply chain and help our local farmers boost their productivity and resilience through investment in irrigation, flood control, supply chain logistics, and climate change adaptation,” ayon pa sa mensahe ni Balisacan.
Naunang tinutulan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pamamahagi ng food stamps sa halip na bigyan ng livelihood ang mga mahihirap upang makapamuhay ng marangal.