35,417 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa paggunita ng Arkidiyosesis ng Palo sa Kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo kaalinsabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.
Ayon kay outgoing LAIKO National President Bro. Raymond Daniel Cruz Jr., ang kapistahan ng Nuestra Señora de la Esperanza de Palo ay isang paalala sa bawat isa na patuloy na panghawakan ang pag-asang hatid ng Panginoon sa sangkatauhan.
Ipinaliwanag ni Cruz na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sinuman sa kabila ng anumang hamong kaharapin sa buhay.
“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas joins the Archdiocese of Palo in the celebration of the Feast of Our Lady of Hope of Palo and in reminding all of us to remain in hope and in the sure and certain faith that God is always near and is among us.” Ang bahagi ng pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.
Nagpaabot din ng paghanga si Cruz sa mga mananampalataya at sa Arkidiyosesis ng Palo na pinangangasiwaan ni Palo Archbishop John Du na sama-samang ipinamalas ang katatagan ng pananampalataya, lakas ng loob at tiwala sa Panginoon sa loob ng nakalipas na isang dekada mula ng naganap ang trahedya.
“With faith and thanksgiving, we commend the Archdiocese of Palo, His Excellency Archbishop John Du, and the people of God for the example of a decade of resilience, grit and hope. Our Lady of Hope, be with us.”pagbabahagi ni Cruz
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Super Typhoon Yolanda ang kauna-unahang Super Typhoon category na naitala at itinuturing na pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa na tumama sa Eastern Visayas noong ika-8 ng Nobyembre taong 2013 kung saan mahigit sa 6,000 ang naitalang nasawi.
Ito rin ang dahilan ng personal na pagbisita sa Pilipinas ang Kanyang Kabanalan Francisco noong Enero ng taong 2015 upang ipadama sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ang habag, awa at pagmamahal ng Panginoon matapos ang naganap na sakuna.