41,221 total views
Hinimok ng Santo Papa Francisco ang mananampalataya na panatilihin ang pagiging masigasig sa pagsasabuhay sa misyon bilang bahagi ng kristiyanong pamayanan.
Sa Angelus ng santo papa sa Vatican pinagnilayan nito ang paglaganap ng mabuting balita sa mga pamayanan sa pamamagitan ng pagiging buhay na saksi ng mga kristiyano sa mga komunidad na kinabibilangan.
Sinabi ni Pope Francis na tulad ni French Servant of God Madeleine Delbrêl sa kabila ng kawalang paniniwala sa Diyos noong kabataan ay napanibago dahil sa mga halimbawang ipinakikita ng mga kaibigan.
“Madeleine encountered Christ through the witness of her friends and, following her conversion, chose to live a life completely devoted to God, in the heart of the Church and the world,” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.
Ibinahagi ng pinunong pastol ng simbahan na sa tulong ng kalagayan ng mga maralita sa lipunan ay umigting ang diwa ni Servant of God Madeleine upang pasiglahin ang misyon ng simbahang kalingain ang higit nangangailangan.
Umaasa si Pope Francis na maging masigla ang mga binyagan sa pagtupad sa misyong kaakibat ng sakramento ng binyag na tinanggap ng bawat isa.
“Madeleine Delbrêl’s example of apostolic zeal reminds us of our own baptismal mission to share the joy of the Gospel with others, and, in the process, to grow in fidelity to the twin commandments of love of God and love of all our brothers and sisters,” giit ni Pope Francis.
Hamon ng simbahan sa mahigit isang bilyong mananapalataya sa buong mundo na ipakita ang simbahang sinodal sa mga pamayanan sa pamagigitan ng pakikinig upang higit na magampanan ang tungkulin bilang bahagi ng pamayanang kristiyano.