2,596 total views
Sabado ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
o kayaΒ Paggunita sa Pagtatalaga sa mga Palasyong Simbahan nina Apostol San Pedro at San Pablo sa Roma
o kayaΒ Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado
Karunungan 18, 14-16; 19, 6-9
Salmo 104, 2-3. 36-37. 42-43
Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng Dβyos.
Lucas 18, 1-8
Friday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green)
orΒ Optional Memorial of Dedication of the Basilicas of Saints Peter and Paul, ApostlesΒ (White)
orΒ Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on SaturdayΒ (White)
UNANG PAGBASA
Karunungan 18, 14-16; 19, 6-9
Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan
Payapa at tahimik ang lahat, nangangalahati na ang gabi,
walang anu-anoβy ang makapangyarihan mong mga salita ay bumaba,
mula sa iyong maharlikang trono sa langit,
pumagitna sa lupaing iyon na itinalaga mong wasakin
Gaya ng mabalasik na mandirigma.
Taglay niya ang matalim na tabak ng iyong mga utos,
tumayo siya, ang ulo niyaβy sagad sa langit,
at pinalaganap ang kamatayan sa buong lupain.
Ang sangnilikha ay dumanas ng pagbabago
upang masunod ang iyong kalooban,
at mailigtas ang iyong bayan.
Ang ulap ay lumukob sa kanilang kampamento,
ang tubig ay nahawi at lumitaw ang tuyong lupa,
isang malinis na landas sa gitna ng Dagat na Pula,
at luntiang kapatagan mula sa naglalakihang mga alon.
Ang bayan mo ay nakatawid na lahat,
sa ilalim ng iyong pagkalinga,
matapos masdan ang kamangha-manghang gawang iyon.
Tulad nilaβy mga kabayo sa sariwang pastulan,
parang mga tupang naglulundagan sa tuwa sa pagpupuri sa iyo,
O Panginoon, sapagkat iniligtas mo sila.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 2-3. 36-37. 42-43
Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng Dβyos.
o kaya:Β Aleluya.
Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niyaβy dapat na isaysay.
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.
Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng Dβyos.
Ang mga panganay sa buong Egipto ay kanyang pinatay,
kaya sa Egipto, noon ay naubos ang mga panganay.
Pagkatapos nito, ang bayang Israel kanyang inilabas,
malulusog silaβt lumabas na dalaβy mga gintoβt pilak.
Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng Dβyos.
Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan,
ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham.
Kayaβt ang bayan niyaβy kanyang inilabas na lugod na lugod,
nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog.
Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng Dβyos.
ALELUYA
2 Tesalonica 2, 14
Aleluya! Aleluya!
Tayoβy tinawag ng Diyos
upang magningning na lubos
sa aral ni Kristo Hesus.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 18, 1-8
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga upang ituro sa kanilang na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa.
βSa isang lungsod,β wika niya, βmay isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: βBagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala β baka pa ako mainis sa kapaparito niya,ββ At sinabi ng Panginoon, βNarinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado
Manalangin tayo nang walang humpay at huwag mawalan ng pag-asa sapagkat ibibigay ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na tumatawag sa kanya sa araw at gabi. Pinalalakas ang ating loob ng katuruang ito ng ating Panginoon, lumapit tayo sa Ama dala ang ating mga kahilingan.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pakinggan Mo ang aming mga panalangin.
Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod nawaβy maging masigasig sa gitna ng mga pagsubok at pagdurusa at huwag mawalan ng tiwala sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinanghihinaan ng loob at natutuksong sumuko na sa pagsusumikap na mamuhay nang mabuti nawaβy makatagpo ng bagong lakas sa pananampalataya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Yaong mga nahihirapang magdasal nawaβy maging masigasig muli sa pananalangin at bigyang puwang ang Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit sa gitna ng kanilang mga paghihirap nawaβy patuloy na magtiyaga at huwag mawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawaβy tumanggap ng makalangit na gantimpala para sa kanilang mga pagsusumikap sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, ipinagkakatiwala namin sa iyo ang aming mga pangangailangan. Ipakita mo sa amin ang paraan ng pananalanging walang humpay upang kami ay maging kaisa mo. Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.