4,222 total views
Lunes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
1 Macabeo 1, 10-15. 41-43. 54-57. 62-64
Salmo 118, 53. 61. 134. 150. 155. 158
Poon, akoโy lingapin mo;
ang utos moโy susundin ko.
Lucas 18, 35-43
Monday of the Thirty-third Week in Ordinary Timeย (Green)
UNANG PAGBASA
1 Macabeo 1, 10-15. 41-43. 54-57. 62-64
Pagbasa mula sa unang aklat ng Macabeo
Noong mga araw na iyon, may sumipot na masamang binhi. Itoโy si Antioco Epifanes, ang anak ni Haring Antioso. Siyaโy isa lamang bihag sa Roma bago nagmana ng kaharian. Nagsimula siyang maghari nang taong sandaaโt tatlumpuโt pito.
Noong kapanahunan ni Antioco Epifanes, may lumitaw na mga masasamang Judio na ayaw sumunod sa Kautusan, bagkus ay inaakit pa ang mga mamamayan na makipagkasundo sa mga Hentil sa palibot nila. โMakipagkasundo na tayo sa kanila; wala naman tayong nakikita sa hindi pakikipagkasundo kundi pawang kamalasan,โ wika nila. Ang ganitong panukala ay nagustuhan ng marami at ang ilan sa kanilaโy agad nagpunta sa hari, upang humingi ng pahintulot na sumunod sa mga tuntuning Hentil. Pumayag naman ang hari. Nagtayo sila ng isang malaking palaruan sa Jerusalem, alinsunod sa kaugalian ng mga Hentil. Gumawa sila ng paraan para mapawi ang bakas ng kanilang pagkatuli, at pati ang banal na tipan ay kanilang kinaligtaan, anupat nakiisa na sila sa lahat ng masasamang gawain ng mga Hentil.
Ang hari ay nagpalabas ng isang kautusan para sa buong kaharian. Iniutos niyang maging isa ang tuntunin sa bansa, kayaโt ipinagbawal niya ang dating kautusan at ang relihiyon. Lahat ng Hentil ay sumang-ayon at marami ring Israelita ang sumunod. Naghandog din sila sa mga diyus-diyusan at nilabag ang Araw ng Pamamahinga.
Noong taong sandaaโt apatnapuโt lima, ikalabinlima ng buwan ng Kislev, si Haring Antioco ay nagpatayo ng Kalapastanganang Walang Kapantay sa altar ng pinagsusunugan ng mga hain. Nagpatayo rin siya ng mga dambanang pagano sa lahat ng lungsod sa palibot ng Judea. Kahit sa mga harap ng bahay at mga lansangan, pinagsusunog ng kamanyang ang mga tao. Lahat ng makitang mga balumbon ng Kautusan ng Diyos ay sinira at sinunog, at ang sinumang mahuling nagtataglay ng balumbon ng tipan o sumusunod sa Kautusan ay ipinapatay. Sa kabila ng lahat ng ito, marami pa ring mga Israelita ang nanatiling tapat at hindi kumain ng anumang pagkaing marumi. Matamis pa sa kanila ang mamatay kaysa maging marumi dahil sa pagkain ng mga hindi ipinahihintulot ng kautusan at kaysa sumuway sa banal na tipan. Marami nga ang namatay sa kanila. Katakut-takot na hirap ang dinanas ng buong Israel.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 53. 61. 134. 150. 155. 158
Poon, akoโy lingapin mo;
ang utos moโy susundin ko.
Nag-aapoy ang galit ko sa tuwi kong mamamalas
yaong mga masasamang lumalabag sa โyong batas.
Poon, akoโy lingapin mo;
ang utos moโy susundin ko.
Silang mga masasama kahit ako ay gapusin,
ang bigay mong mga utos ay di ko rin lilimutin.
Poon, akoโy lingapin mo;
ang utos moโy susundin ko.
Sa sinumang naghahangad na ako ay alipinin,
iligtas mo ang lingkod moโt ang utos mo ang susundin.
Poon, akoโy lingapin mo;
ang utos moโy susundin ko.
Palapit na nang palapit ang sa akiโy umuusig,
mga taong walang galang sa utos mong isinulit.
Poon, akoโy lingapin mo;
ang utos moโy susundin ko.
Iyang mga masasamaโy tiyak na di maliligtas,
dahilan sa kautusang hindi nila ginaganap.
Poon, akoโy lingapin mo;
ang utos moโy susundin ko.
Nagdaramdam akong labis kapag aking namamasdan,
yaong mga taong taksil na laban sa kautusan.
Poon, akoโy lingapin mo;
ang utos moโy susundin ko.
ALELUYA
Juan 8, 12
Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
โAko ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.โ
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 18, 35-43
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Malapit na si Hesus sa Jerico, at dooโy may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig nitong nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. โNagdaraan si Hesus na taga Nazaret,โ sabi nila. At siyaโy sumigaw, โHesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!โ Sinaway siya ng mga nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang sigaw: โAnak ni David, mahabag po kayo sa akin!โ Kayaโt tumigil si Hesus, at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Inilapit nga ito at tinanong ni Hesus, โAno ang ibig mong gawin ko sa iyo?โ โPanginoon, ibig ko po sanaโy manumbalik ang aking paningin,โ sagot niya. At sinabi ni Hesus, โMangyari ang ibig mo! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.โ Noon din, nakakita siya at sumunod kay Hesus, at nagpasalamat sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Hilingin natin sa Diyos Ama na buksan ang ating mga mata upang malinaw nating makita ang kanyang daan at sundan siya nang buong puso.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sinagan Mo kami ng Iyong liwanag.
Ang mga pinuno ng Simbahan, sa pamamagitan ng kanilang huwarang pamumuhay, nawaโy maipakita sa atin ang daan patungo sa Kaharian ng Diyos Amang nasa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, nawaโy palagi nating bigyan-pansin ang mga hinatulan, tinanggihan, at hindi minamahal sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.
Katulad ng bulag ng Jerico tayo nawaโy magkaroon ng matatag na pananalig sa nakapagpapagaling na presensya ni Jesus at sundan siya sa daan ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nagdurusa sa kalabuan ng paningin o pagiging bulag nawaโy makatagpo ng kagalingan at kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawaโy tumanggap ng walang hanggang kapayapaan at liwanag sa kaluwalhatian ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pagmamahal at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang mabuhay kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari kasama mo ngayon at magpakailanman. Amen.