5,311 total views
Paggunita sa Pagdadala sa Mahal na Birhen sa Templo
2 Macabeo 6, 18-31
Salmo 3, 2-3. 4-5. 6-7
Akoโy itinataguyod
ng aking Panginoong Dโyos.
Lucas 19, 1-10
Memorial of the Presentation of the Blessed Virgin Maryย (White)
Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
UNANG PAGBASA
2 Macabeo 6, 18-31
Pagbasa mula sa Ikalawang aklat ng Macabeo
Noong mga araw na iyon, may isang matanda at iginagalang na guro ng Kautusan. Siya si Eleazar. Nakatuwaan nilang siya ay pakanin ng baboy, kayaโt pinilit siyang magbuka ng bibig. Sa pag-iwas niyang makapitan ng kasamaan, pinili na niya ang mamatay na marangal. Kayaโt ang pagkaing pilit na isinubo ay kanyang iniluwa. Pagkatapos, siya na ang kusang lumapit sa inihandang pagpaparusahan sa kanya. Ipinakita niya na dapat maglakas-loob ang sinuman na tumangging kumain ng pagkaing labag sa kautusan, kahit itoโy mangahulugan ng kanyang kamatayan.
Ang mga napag-utusang magbigay kay Eleazar ng pagkaing labag sa Kautusan ay dati na niyang mga kakilala. Kayaโt dahil sa pagmamalasakit nila kay Eleazar, kinausap nila siya nang lihim. Pinapaghanda nila siya ng karneng hindi ipinagbabawal, at ipinayo na magkunwari siyang ang karneng baboy na ibibigay sa kanya ang kakanin niya, ngunit ang totoo, ang dala niya ang kanyang kakanin. Sa paraang ito, maliligtas siya sa kamatayan.
Subalit ang kagandahang-loob na ito ay magalang niyang tinanggihan. Buo na ang kanyang pasiya. Matanda na siya at maputi na ang kanyang buhok. Naalaala niyang sapul pagkabataโy naging tapat siya sa Kautusan ng Diyos. Kayaโt sumagot siya, โPatayin na ninyo ako ngayon din. Sa gulang kong itoโy hindi na dapat magkunwari pa. Ano na lang ang sasabihin ng mga kabataan kung hindi ako mananatiling tapat? Hindi ba sasabihin nila na kung kailan ko inabot ang siyamnapung taon ay saka ko pa tinalikdan ang aking relihiyon! Kung akoโy magtaksil para lamang madugtungan ng kaunti ang aking buhay, para ko na ring iniligaw ang mga kabataan at binigyang-kahihiyan ang aking katandaan. Maaaring maiwasan ko ang parusa ng tao, ngunit sa mabuhay ako o mamatay, hindi ako makaiiwas sa parusa ng Makapangyarihan sa lahat. Kayaโt tatanggapin ko na ngayon ang marangal na kamatayan na siyang magiging putong ng aking katandaan. Sa gayun, mag-iiwan ako ng isang dakilang halimbawa sa mga kabataan โ ang marangal at buong pusong paghahandog ng buhay alang-alang sa banal na utos ng Diyos.โ
Matapos niyang sabihin ito, lumapit agad siya sa inihandang pagpapatayan sa kanya. Ang mga kaibigang nagmalasakit sa kanya ay nainis na rin; para sa kanilaโy kaululan lamang ang mga sinabi niya. Kayaโt ginulpi nila siya hanggang sa mamatay. Ngunit bago nalagutan ng hininga, sinabi ni Eleazar, โAng Panginoon ang nakababatid ng lahat. Alam niya ang katakut-takot na hirap na tiniis ko sa pagpaparusang ito, kahit itoโy maaaring maiwasan ko. Alam din niyang maligaya kong tiniis itong hirap dahil sa aking pagmamahal sa kanya.โ
Namatay nga si Eleazar, ngunit siyaโy nag-iwan ng isang halimbawa ng pagiging uliran sa tapang at di malilimutang katangian ng pag-uugali, hindi lamang para sa mga kabataan kundi para rin sa buong bansa.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 3, 2-3. 4-5. 6-7
Akoโy itinataguyod
ng aking Panginoong Dโyos.
O Panginoon ko, kay raming kaaway,
sa abang lingkod mo ay kumakalaban;
ang palagi nilang pinag-uusapan,
ako raw, O Diyos, di mo tutulungan!
Akoโy itinataguyod
ng aking Panginoong Dโyos.
Ngunit ang totoo, sa lahat ng oras,
iniingatan mo at inililigtas;
sa akiโy tagumpay ang iginagawad,
mahina kong loob ay pinalalakas.
Kaya ikaw, Poon, nang aking tawagan,
sinagot mo ako sa bundok na banal.
Akoโy itinataguyod
ng aking Panginoong Dโyos.
Ako ay humimlay, agad nakatulog,
ligtas na nagising ang iyong kinupkop;
libo mang kaaway, wala akong takot,
humanay man sila, sa aking palibot.
Halika, O Diyos, iligtas mo ako,
lahat kong kaaway ay pasukuin mo.
Akoโy itinataguyod
ng aking Panginoong Dโyos.
ALELUYA
1 Juan 4, 10b
Aleluya! Aleluya!
Inibig tayo ng Ama,
isinugo ang Anak nโya
bilang panubos sa sala.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 19, 1-10
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa Jerico, at naglakad sa kabayanan. Dooโy may isang mayamang puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo. At pinagsikapan niyang makita si Hesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siyaโy napakapandak, at dahil sa dami ng tao, hindi niya makita si Hesus. Kayaโt patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Hesus na magdaraan doon. Pagdating ni Hesus sa dakong iyon, siyaโy tumingala at sinabi sa kanya, โZaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.โ Nagmamadali siyang bumaba, at tuwang-tuwang tinanggap si Hesus. Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. โNakikituloy siya sa isang makasalanan,โ wika nila. Tumayo si Zaqueo at sinabi, โPanginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung akoโy may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.โ At sinabi sa kanya ni Hesus, โAng kaligtasaโy dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni Abraham ang taong ito. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 21
Ang Pagdadala kay Maria sa Templo
Sa araw na ito, sa paggunita natin sa Pagdadala kay Maria sa Templo, hilingin natin sa Ama na ipagkaloob sa atin ang biyaya ng pagiging bukas-loob sa pag-aalay ng ating buhay sa Diyos.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, baguhin Mo kami upang maging katulad ni Maria, aming ina.
Ang paglilingkod ng mga lalaki at babae nawaโy ialay ng Simbahan bilang karapat-dapat na handog sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng sumasampalataya kay Kristo nawaโy dinggin ang tinig ng Diyos na nananawagan sa lahat upang maging banal, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang halimbawa ni Maria nawaโy magningning sa pamamagitan ng buhay ng mga taong itinalaga sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawaโy maramdaman ang presensya ni Kristo sa pamamagitan ng ating nakapagpapasiglang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawaโy maging karapat-dapat ang kanilang sakripisyo sa pamamagitan ng ating matuwid na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, ipagkaloob mo na kami, tulad ni Maria, ay tumugon ng pagsang-ayon sa iyong kalooban at tuparin ito sa aming mga buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.