8,168 total views
Paggunita kay San Andres Dung Lac, pari at martir at mga Kasama, mga martir
1 Macabeo 4, 36-37. 52-59
1 Mga Cronica 29, 10. 11abk. 11d-12a. 12bkd
Dβyos, aming papupurihan
ang βyong dakilang pangalan.
Lucas 19, 45-48
Memorial of St. Andrew Dung-Lac, Priest and Companions, MartyrsΒ (Red)
Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
UNANG PAGBASA
1 Macabeo 4, 36-37. 52-59
Pagbasa mula sa unang aklat ng Macabeo
Noong mga araw na iyon, sinabi ni Judas at ng mga kapatid niya, βNgayong nagapi na ang mga kaaway, kailangang linisan natin ang templo at muling italaga ito.β Kayaβt ang buong hukbo ay umahon sa Bundok ng Sion.
Nang ikadalawangpuβt lima ng buwan ng Kislev, ikasiyam na buwan ng taong sandaaβt apatnapuβt walo, maagang-maaga silang bumangon at naghandog sa bagong altar ng mga haing susunugin, ayon sa tinakda ng utos ng Diyos. Sa araw na itoβy itinalaga nilang muli ang templo sa gitna ng awitang kasaliw ang mga kudyapi, plauta at pompiyang. Ganito ring araw nang lapastanganin ng mga Hentil ang templo. Lahat ay nagpatirapa, sumamba, at nagpuri sa Diyos na lumingap at pumatnubay sa kanila.
Walong araw silang nagdiwang sa pagtatalagang ito; tuwang-tuwa silang naghandog ng mga susunugin. Naghandog din sila ng hain para sa pagkakaligtas at sa karangalan ng Diyos. Bilang palamuti, ang labas ng temploβy nilagyan ng mga koronang ginto at maliliit na kalasag. Inayos nila at nilagyan ng mga pansara ang mga pintuan ng templo at ang mga silid ng mga saserdote. Galak na galak ang lahat nang maalis ang mga tanda ng kalapastanganang ginawa ng mga Hentil. Ipinasiya ni Judas, ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng mamamayan ng Israel na sa gayun ding araw, taun-taon ay ipagdiriwang nila ang muling pagtatalaga ng templo. Walong araw nilang gagawin ito, mula sa ika-dalawampuβt lima ng buwan ng Kislev.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
1 Mga Cronica 29, 10. 11abk. 11d-12a. 12bkd
Dβyos, aming papupurihan
ang βyong dakilang pangalan.
Karapat-dapat kang purihin magpakailanman Panginoon!
Ang Diyos ni Jacob na aming ama.
Dβyos, aming papupurihan
ang βyong dakilang pangalan.
Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan,
ang karangalan at ang pagtatagumpay
pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa.
Dβyos, aming papupurihan
ang βyong dakilang pangalan.
Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.
Sa iyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan.
Dβyos, aming papupurihan
ang βyong dakilang pangalan.
Taglay mo ang kapangyarihan at kadakilaan,
at ikaw ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.
Dβyos, aming papupurihan
ang βyong dakilang pangalan.
ALELUYA
Juan 10, 27
Aleluya! Aleluya!
Ang tinig koβy pakikinggan
ng kabilang sa βking kawan.
akoβy kanilang susundan
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 19, 45-48
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya sa mga ito, βNasusulat: βAng aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.β Ngunit ginawa ninyong βpugad ng mga magnanakaw.ββ
Araw-araw, si Hesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan ng siyaβy ipapatay. Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Sapat ang utos ng Panginoon, subalit nag-uumapaw ang kanyang awa. Manalanagin tayo sa Ama nang buong pananalig sa kanyang karunungan.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa Iyong pamamaraan.
Ang Simbahang Katolika nawaβy akayin ang kanyang mga miyembro sa daan ng katwiran at higit silang ilapit sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaβy matutong tumalikod sa kasalanan nang buong puso, habang nananatiling masunurin sa batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga hindi pa sumasampalataya nawaβy makinig sa Salita ng Diyos at maakay sila sa kaligtasang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, matatanda, nalulumbay at lahat ng nagdurusa nawaβy huwag nating kaligtaang lingapin, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawaβy lumigaya sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, sinusuri mo ang puso ng bawat isa at alam mo ang mga nilalaman nito. Palakasin mo ang aming puso upang sumamba kami nang tunay at buong pusong makapaglingkod sa kapwa ang aming mga kamay sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.