Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, NOBYEMBRE 29, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,480 total views

Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Daniel 5, 1-6. 13-14. 16-17. 23-28
Daniel 3, 62. 63. 64. 65. 66. 67

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Lucas 21, 12-19

Wednesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Daniel 5, 1-6. 13-14. 16-17. 23-28

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, si Haring Belsasar ay nagdaos ng malaking piging para sa sanlibong tagapamahala niya. Nang kasalukuyan silang nag-iinuman, ipinakuha ni Haring Belsasar ang mga kagamitang ginto at pilak na sinamsam ng ama niyang si Nabucodnosor sa templo ng Jerusalem. Ipinakuha niya ang mga ito upang inuman nila – ng mga maharlika ng kaharian, mga tunay na asawa at mga aliping asawa. Ang mga kagamitang ginto at pilak na sinamsam sa templo ng Diyos ay dinala nga sa bulwagang pinagdarausan ng piging. Habang sila’y nag-iinuman, sinasamba naman nila ang kanilang diyus-diyusang ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy at bato.

Walang anu-ano, lumitaw ang isang kamay at kitang-kita ni Haring Belsasar na ito’y sumulat sa pader ng palasyo, sa tapat ng kandelero. Dahil dito, nangalisag ang kanyang mga balahibo at namutla siya sa matinding takot.

At ipinatawag si Daniel at iniharap sa hari. Sinabi nito kay Daniel, “Ikaw ba ang Daniel na kasama sa mga binihag ng aking ama mula sa Juda? Nabalitaan kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos. May pambihirang talino ka raw at kaalaman. Nabalitaan ko na marunong kang magpaliwanag ng mga bagay na tulad nito at mahusay kang lumutas ng mga palaisipan. Ngayon, kung mababasa mo at maipapaliwanag ang sulat na ito, pararamtan kita ng purpura, kukuwintasan ng ginto at gagawing pangatlong tao sa kaharian.”

Sinabi ni Daniel sa hari, “Mahal na hari, huwag na po ninyo akong bigyan ng anuman; ibigay na ninyo sa iba ang sinasabi ninyong gantimpala. Babasahin ko na po lamang at ipaliliwanag ang sulat.

“Nagpakataas kayo sa harapan ng Panginoon. Ipinakuha ninyo ang mga kagamitan sa kanyang templo at ginamit sa inuman. Bukod doon, sumamba kayo sa mga diyos ninyong yari sa ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy at bato, mga diyos na hindi nakakikita ni nakaririnig. At ang Diyos na nagbibigay sa inyo ng buhay ay hindi ninyo pinarangalan. Kaya, ipinadala ang kamay na yaon at pinasulat sa dingding ng inyong palasyo.

“Ito ang sulat: Mene, mene, tekel, parsin. Ito naman ang ibig sabihin: Mene, nabibilang na ang araw ng iyong kaharian pagkat wawasakin na ito ng Diyos. Tekel, ikaw ay tinimbang at napatunayang nagkukulang. Parsin, ang kaharian mo at mahahati at ibibigay sa Media at Persia.”

Ang Salita ng Diyos

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 62. 63. 64. 65. 66. 67

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, araw at buwan;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga bituin sa langit;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga ulan at hamog;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng hanging umiihip sa sandaigdigan;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, apoy at init;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon,
nakapapasong init at matinding lamig;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

ALELUYA
Pahayag 2, 10k

Aleluya! Aleluya!
Manatili kang matapat
hanggang iyong kamatayan,
pagkat buhay, aking bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Sa Diyos ang daigdig at ang sangkatauhan. Ipagkatiwala natin ang ating sarili sa kanya, nang may pananalig at umasa sa kanyang pagtatanggol.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, manatili nawa kami sa Iyong pagkalinga.

Ang Simbahan nawa’y tumingin sa kinabukasan nang may kapayapaan at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, ang mga hinahamak, mga tinanggihan, at mga hindi minamahal sa ating lipunan nawa’y makadama ng kalinga ng Diyos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus na nagbubukas ng ating paningin sa kagandahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagpagaling na presensya ng Diyos sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y pagkalooban ng walang hanggang liwanag at biyaya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang makakilos at makagawa kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,418 total views

 33,417 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,494 total views

 48,494 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,465 total views

 54,465 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,648 total views

 58,648 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,929 total views

 67,929 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Oktubre 20, 2024

 225 total views

 225 total views Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 53, 10-11 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hilig. Hebreo 4, 14-16 Marcos 10, 35-45 o kaya Marcos 10, 42-45 Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time (Green) Sunday for Cultures UNANG PAGBASA Isaias 53, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Sabado, Oktubre 19, 2024

 523 total views

 523 total views Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng nasa mundo. Lucas 12,

Read More »

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 947 total views

 947 total views Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita 2 Timoteo 4, 10-17b Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Lucas 10, 1-9 Feast of St. Luke, Evangelist (Red) UNANG PAGBASA 2 Timoteo 4, 10-17b Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, iniwan na ako

Read More »

Huwebes, Oktubre 17, 2024

 1,401 total views

 1,401 total views Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Lucas 11, 47-54 Memorial of St. Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 1,866 total views

 1,866 total views Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga Galacia 5, 18-25 Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6 Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Lucas 11, 42-46 Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary

Read More »

Martes, Oktubre 15, 2024

 2,063 total views

 2,063 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 2,302 total views

 2,302 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 2,706 total views

 2,706 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Sabado, Oktubre 12, 2024

 2,988 total views

 2,988 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 2,970 total views

 2,970 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 3,147 total views

 3,147 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 3,475 total views

 3,475 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 3,745 total views

 3,745 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 3,743 total views

 3,743 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 3,917 total views

 3,917 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »
Scroll to Top