Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging “RICEponsible”

SHARE THE TRUTH

 106,645 total views

Mga Kapanalig, alam ba ninyong kung pagsasama-samahin ang kaning naaaksaya natin sa buong taon, aabot ito sa 384,000 metriko tonelada? Nagkakahalaga ito ng pitong milyong piso at sasapat para sa 2.5 milyong Pilipino sa isang taon!

Ganito karami ang naaaksayang kanin sa ating bansa, ayon sa Philippine Rice Research Institute (o PhilRice). Kaya ngayong National Rice Awareness Month, nananawagan ang PhilRice sa publiko na maging “RICEponsible”. Kaakibat nito ang pagmumungkahi ng patakarang magtatakda sa mga food establishments na gawing half cup ang ihahain sa kanilang mga customers sa halip na ang nakasanayang one cup, bagay na nangyayari na sa ilang lungsod na may ganitong ordinansa. Makatutulong daw ito sa pagbawas ng kaning nasasayang at napupunta lamang sa basurahan. 

Kung hindi nasasayang ang ganitong karaming kanin at kung napupunta ito sa mga kababayan nating kapos sa buhay at hindi nakakakain nang maayos at sapat sa isang araw, tiyak na mababawasan ang kagutuman sa ating bansa. 

Sa Global Hunger Index, pang-66 ang Pilipinas sa 125 na mga bansa kung ang pag-uusapan ay ang iba’t ibang indikasyon ng kagutuman; ang mga ito ay undernourishment, child stunting o pagkabansot, child wasting, at child mortality. Moderate ang level of hunger sa Pilipinas, ngunit isa tayo sa may pinakamataas na antas ng kagutuman sa Timog Silangang Asya.  

Ganito rin ang lumabas sa monitoring ng Food and Agriculture Organization ng United Nations. Sa report nitong pinamagatang State of Food Security and Nutrition in the World, tinatayang 50.9 milyong Pilipino ang walang tuluy-tuloy na access sa sapat na pagkain mula 2020 hanggang 2022. Tayo ang may pinakamaraming food-insecure na mamamayan sa mga bansa sa Timog Silangang Asya—halos kalahati ng ating populasyon. Halos anim na milyong Pilipino naman ang undernourished o kulang sa nutrisyon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. 

Samantala, ang survey ng Social Weather Stations (o SWS) noong Hunyo at Hulyo ay nagsabing nasa 34% ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili bilang food poor o mahirap batay sa uri ng kinakain nila. Kasagsagan naman ito ng mataas na presyo ng mga pagkain, lalo na ang bigas.  

Ilan lamang ang mga datos na ito hindi lamang upang udyukan ang mga kainán na iwasang mag-aksaya ng kanin. Tayo ring mga kumokonsumo ng tinaguriang staple food ng mga Pilipino ay dapat na maging “RICEponsible”. Sa mga nakapagsasaing at nakakapaghain ng kanin mula umaga hanggang gabi, tiyakin nating walang nasasayang. Kapag umo-order tayo ng pagkaing may kanin, siguraduhin nating mauubos natin ito—o kaya naman ay mag-order lamang ng half cup. Mabagabag sana tayo kapag may nasasayang na pagkain, lalo na kung kanin.

Hindi man natin direktang matutugunan ang kagutuman sa ating bansa, ang pagiging responsable sa ating pagkain ay makababawas sa ating paggastos na maaari nating magamit sa pagtulong sa iba. Lalabanan din nito ang tinatawag na sense of entitlement dahil lagi tayong napapaalalahanang kilingan at abutin ang mga dukha—isang mahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan. 

Lagi rin natin pakaisipin kung paano nakaaapekto ang ating pagkonsumo sa pagkamit ng ating kapwa ng kanilang mga karapatan, kabilang ang karapatan sa pagkain. Kapag tayo ay nag-aaksaya ng pagkain, lalo na ng kanin, pinagkakaitan din natin ng makakain ang ating kapwang walang maihain sa kanilang mesa. Para na rin itong isang kasalanan. Inaalisan tayo ng pag-aaksaya ng pagkain ng pagkakataong ibahagi sa ating kapwa ang biyaya ng pagkain. 

Mga Kapanalig, sa pagpapakain ni Hesus sa limanlibo, tiniyak niyang lahat ay makakakain at mabubusog. Sa Juan 6:12, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad, “ipunin ninyo ang lumabis nang ‘di masayang.” Paalala rin ito sa ating lahat, lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Sumainyo ang katotohanan.  

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,628 total views

 16,628 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,284 total views

 31,284 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,399 total views

 41,399 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,976 total views

 50,976 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,965 total views

 70,965 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 16,629 total views

 16,629 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,009 total views

 2,009 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,285 total views

 31,285 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,400 total views

 41,400 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,977 total views

 50,977 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,966 total views

 70,966 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,402 total views

 47,402 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,427 total views

 42,427 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,996 total views

 45,996 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,451 total views

 58,451 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,518 total views

 69,518 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,837 total views

 75,837 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,449 total views

 80,449 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,009 total views

 82,009 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,570 total views

 47,570 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top