Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 5,378 total views

32nd Sunday of Ordinary Time Cycle A

Wis 6:12-16 1 Thes 4:13-18 Mt 25:1-13

Sa kalendaryo ng simbahan ang buwan ng Nobyembre ay nagpapaala-ala sa atin ng wakas ng panahon at ng wakas ng ating buhay. Kaya sinimulan natin ito ng pagdalaw sa cementeryo noong November 1 at November 2. Hanggang ngayong Linggo ang mga pagbasa natin ay tungkol sa wakas ng ating buhay. Ito ay darating at hindi natin maiiwasan pero hindi natin ito kinatatakutan. Sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na huwag tayong malungkot sa mga namatay na. Si Jesus ay namatay at muling nabuhay. Bubuhayin din ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Jesus – upang isama sa kanya. Kaya ang mga buhay at ang mga namatay ay makakasalubong sa Panginoon pagdating niyang muli upang makapiling niya tayo magpakailanman.
Para sa ating mga Kristiyano ang kamatayan ay hindi ang wakas ng buhay. Ito ay isang pagkikipagtagpo sa Panginoon na pinaniniwalaan at minamahal natin. Sa wakas makakasama na natin siya. Inaabangan natin ang pagkikipagtagpong ito. Ang makakatagpo natin ay ang ating pinaglilingkuran at ang ating minamahal. Kaya ang layunin natin sa buhay ay mahalin ang Panginoon. I love you Jesus. Iyan ang mga huling salita ni Pope Benedict XVI. Iyan din sana ang ating palaging banggitin. I love you Jesus. Mahal kita Jesus.

Ang pakikipagtagpo sa Panginoon ay masaya. Itinutulad ito sa isang kasalanan. Masaya tayong nakikisalo sa kasalanan. May kasaganaan sa kasalanan – maramng pagkain at inumin, may tugtugan, may sayawan, maraming kwentuhan.

Makakasama ba tayo sa kasalan sa kabilang buhay? Oo, kung tayo ay marunong. Ang taong marunong ay well-prepared sa ating inaasahan. Sa ating ebanghelyo ang sampung abay sa kasal ay excited. Isang karangalan kaya ang mapiling abay. Pero naantala ang pagdating ng ikakasal. Lahat sila ay inantok at nakatulog. Pagdating ng ikakasal lumabas ang pagkamatalino ng lima at pagkahangal ng iba. Ang marurunong ay nakahanda. May extra silang langis na dala. Alam nila baka mahuhuli ang ikakasal. Noong humingi sa kanila ng langis ang mga hangal, hindi nila sila binigyan. Matalino sila. Baka kukulangin kung ibabahagi pa nila. Marunong silang mag-calculate. Hindi naman sila sakim, marunong lang sila. Kaya sila ang nakasama sa kasalanan at ang mga hangal ay hindi nakapasok at hindi pinapasok. Ang lesson ng talinhaga: Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras ng pagdating ng wakas. Maging palaging handa. Masaya ang wakas, tulad ito ng kasalanan, pero masaya ito kung makakasama tayo sa salu-salo. Magiging malungkot ito sa hindi makasali sa kagalakan ng Diyos – kasi hindi sila marunong, hindi sila wise.

Pinapakita dito ang kahalagahan ng karunungan. Maraming aklat sa Biblia ay tungkol sa karunungan. Ang ating unang pagbasa ay galing sa Aklat ng Karunungan, the Book of Wisdom. Ang taong marunong ay ang taong naghahanap ng totoong mahalaga sa buhay – mga bagay na talagang may value sa buhay na ito at magdadala din sa atin sa buhay na walang hanggan. Nakakalungkot na hindi na ito pinapansin ng marami ngayon. Ang pinagkakaabalahan ng marami ay ang mga pansamantala at mga materyal na bagay lamang. Ang mga materyal na bagay ay hindi tumatagal – lumilipas, nasisira at nabubulok ang mga ito, tulad ng kagandahan, ng gadgets, ng pera, ng magiging sikat, ng posisyon. Hindi naman ito nagbibigay ng tunay na kaligayahan. Naaaliw lang tayo ng ilang sandali at agad nawawala ang saya natin. Hindi tayo ginawa para sa mga materyal na bagay. Hindi tayo ginawa para sa mga panandalian lang.
Malapit na ang pasko. Inaabangan natin ito, pero kung titingnan natin, mula sa karanasan natin sa maraming paskong dumaan, ang maraming mga pinagkatuwaan natin noon sa pasko ay hindi naman nagbigay ng matagalang kaligayahan. Marami ay pansamantala lang – ang mga damit, ang mga pagkain, ang mga regalo, ang mga bakasyon – wala na ang mga ito.
Paano ba tayo magiging marunong? Huwag tayo mag-alala. Sinabi sa atin sa ating unang pagbasa na ang karunungan ay natatagpuan ng mga naghahanap sa kanya, at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya. Hindi lang na ito ay madaling matagpuan. Ang karunungan mismo ay naghahanap din sa atin. Hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya. Makikita ka niya saan ka man naroon.

Ano nga ba ang karunungang ito? Ito ay walang iba kundi ang kalooban ng Diyos. Wala nang mas mahalaga pa at mas mabuti kaysa ang kalooban ng isang mapagmahal at mahabaging Diyos. Madaling hanapin ang kalooban ng Diyos at ang Diyos mismo ay nagpapaalam ng kanyang kalooban sa handang tumanggap sa kanya. Ang kalooban ng Diyos ay nagdadala sa atin sa mga tunay na mahalaga. Maging bukas tayo dito. Hindi niya tinatago ang gusto niya. Pinapaabot niya ito sa atin kasi alam niya na ito ay makakatulong sa atin. Ito ang nagpapaligaya sa atin. Ang kanyang kagustuhan ay walang iba kundi ang ating kaligayahan at kalayaan. Hindi ito nang-aalipin sa atin, bagkus nagbibigay sa atin ng ating tunay na pagkatao at kadakilaan.

Maging marunong po tayo sa buhay. Hanapin natin ang kagustuhan ng Diyos. Pero hindi lang natin ito hahanapin. Gawin natin ito. Gawin natin ang kalugud-lugod sa kanya at magiging masaya tayo. Gawin natin palagi ang kalugud-lugod sa kanya at magiging handa tayo kailanman siya darating. Ang pagkaabalahan natin ay hindi ang pag-calculate o ang paghula kung kailan magugunaw ang mundo, kung kailan tayo mamamatay, kung kailan muli babalik ang Panginoon. Sinabi ni Jesus na walang nakakaalam nito kundi ang Ama na nasa langit. Ang pagkakaabalahan natin ay ang palaging gawin ang kalugod-lugod sa Diyos. Dito tayo magiging marunong sa buhay at maging handa na ang ating ilawan ay nakasindi kailan man darating ang ikakasal at isasama tayo sa kasalanang walang hanggan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,483 total views

 33,483 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,560 total views

 48,560 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,531 total views

 54,531 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,714 total views

 58,714 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,995 total views

 67,995 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 1,550 total views

 1,550 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 3,602 total views

 3,602 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 4,930 total views

 4,930 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 9,176 total views

 9,176 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 9,602 total views

 9,602 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 10,663 total views

 10,663 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 11,973 total views

 11,973 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 14,703 total views

 14,703 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 15,888 total views

 15,888 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 17,368 total views

 17,368 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 19,779 total views

 19,779 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 23,064 total views

 23,064 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 25,498 total views

 25,498 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 27,358 total views

 27,358 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 29,666 total views

 29,666 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top