19,721 total views
Umapela ang Stella Maris Philippines sa mamamayan na magkaisa at sama-samang manalangin para sa kaligtasan ng mga seafarers sa highjacking ng Galaxy Leader cargo ship sa Red Sea na itinuturong kagagawan ng Yemen Houthi rebels.
Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, Bishop promoter ng Stella Maris, ito ay upang magkaroon ng kahinahunan ang pamilya at mahal sa buhay ng mga Mexican, Ukrainian at Filipino nationals na crew ng barko na nag-aalala para sa kanilang kaligtasan.
“Let us pray constantly to God for the change of hearts, and for the conversion of those armed groups. That with God in His mercy and power will touch them to respect life, to renounce violence and return to the right, legal and moral ways of life. May they realise, for God whom all accept and believe, that He despises violence, senseless losts of life and denounces destruction and destruction. May they come to the basic truth that violence begets only violence, mistakes cannot be corrected with mistakes, and peace is attained thru promotion of human rights and preservation of human life and dignity,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ipinagdarasal ng Obispo na biyayaan ng Panginoon ng lakas o tibay ng loob ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers, Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration sa pakikipag-ugnayan para mailigtas ang mga hostage na seafarers.
“Let us pray consistently for our government officials that they may not be tired to exhaust all the ways and means, try and open other possibilities to liberate our high jacked seafarers. Under the guidance of God and together with our prayers is also our support to their perseverance and patience to pursue the welfare and wellbeing of our seafarers, and to free them all from that troubled and dangerous situation. Aside from our prayers for good efforts of our government leaders from the DFA, DMW and OWWA for making the safety and liberation of our seafarers as their first and foremost priority is our gratitude for their sacrifices and services,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.
Tiniyak rin ng Obispo ang patuloy na pag-aalay ng Stella Maris Philippines at Diyosesis ng Antipolo ng mga pananalangin at misa para sa ikabubuti ng kalagayan ng 25-crew member ng Galaxy Leader cargo ship.
Nabatid sa ulat na November 19 ng i-hijack ng mga armadong Yemen Houthi rebels ang barko ng mga seafarer na napagkamalang pagmamay-ari ng Israel ang British Owned Galaxy Leader cargo ship.