23,229 total views
Nagsisilbi bilang daluyan ng habag at awa ng Diyos ang Caritas Manila para sa mga pinaka-nangangailangan.
Ito ang buod ng mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco at ni Ambassador Jesus Tambunting, OBE Board Of Trustees ng Caritas Manila sa paggunita ng 70th anniversary ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.
Ayon kay Bishop Ongtioco, nilulutas ng Caritas Manila ang suliranin ng mga mahihirap.
Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pakikipagtulungan ng Diyosesis ng Cubao sa Caritas Manila upang patuloy na maabot at matulungang makaahon sa sariling pagsisikap ang mga pinakamahihirap.
“Pitong dekada, pinapakita natin kung ano ang tunay na pagmamahal, kasi ang Word na pagmamahal pwedeng, verb, pwedeng noun, peero pag sinabi mong pagmamahal, ito ay action, that’s what Caritas is, love is action, pinapakita sa pagmamalasakit sa mahihirap yung mga kapos, walang boses, walang karapatan, yan ang tinutugunan ng Caritas Manila, it means love, the Love of god becomes concrete precisely in action kaya mabuhay ang Caritas Manila on it’s 70th Foundation Anniversary,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ongtioco.
Inihayag naman ni Ambassador Tambunting na ang mga katulad na institusyon ng Caritas Manila ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na makaahon mula sa kanilang kinalugmukang sitwasyon.
“When I was with Cardinal Tagle, he asked me to be the Board of Trustees of Caritas Manila, that’s about five years ago, I did not know much about Caritas other than it’s an organization of a Catholic church to serve the poor, but when I became a board member, when I became chairman of the audit committee then I began to really truly appreciate the Good Work that Caritas is doing and Father and His team, they’re doing an excellent Job and I am happy to be, to celebrate this annivesary, congratulations to Caritas and Father Anton,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ambassador Tambunting.
Bukod sa mabilis na pagtugon sa problemang dulot ng COVOD 19 pandemic kung saan mahigit sa 2-bilyong pisong pondo ang ipinamahagi sa mga biktima ng pandemya ay aktibo ang Caritas Manila sa mga disaster response, livelihood ng mga biktima ng kalamidad, pagpapakain sa mga mahihirap na pamilya at pagpapaaral sa sa mahigit 5,000 scholar sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.