25,880 total views
Inihayag ni Catiras Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hangarin ng social arm ng CBCP na mapatibay ang mga polisiya o batas ng pamahalaan na tumutugon laban sa anumang uri ng karahasan sa mga kabataan higit na sa mga kababaihan.
“On the heels of the International Day for the Elimination of Violence Against Women on November 25, the ongoing 16 Days of Activism Against Gender-Based Violence and the 18-Day Campaign to End VAW in the Philippines, we wholeheartedly echo Caritas Internationalis’s resolute condemnation of this pervasive and destructive form of gender-based violence,” ayon sa mensahe ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na ipinadala sa Radio Veritas.
Nanindigan si Bishop Bagaforo sa kahalagahan ng kagyat na pagpapairal sa mga lugar ng paggawa ng two days menstrual leave, pagkakaroon ng lactating areas, pantay na pagbibigay ng mga training programs, gender inclusive workplace at mahigpit na pagpapataw ng kaparuhasan sa anumang uri ng pang-aabuso o pagmamalabis sa mga manggagawang kababaihan.
Kasabay ito ng pagkakaroon ng mga community-based program na katulad ng mga self-help groups, nutrition programs, cyber-bullying prevention, at pagkakaroon ng regular na pakikipagdiyalogo sa mga kababaihan kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month tuwing Marso.
“We urge all Filipinos to join forces in taking decisive action to end violence against women and girls. Together, we can create a world where all women and girls are safe, respected, and valued,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Bagaforo.
Sa pinakabagong pag-aaral ng United Nations Office on Women (UN WOMEN), sa buong mundo ay walong porsyento sa populasyon ng mga kababaihang manggagawa kumpara sa limang porsyento sa mga kalalakihan ang nakakaranas ng ‘Workplace related sexual harassment and violence’.
Ngayong taon, ginugunita Philippine Commission on Women ang 16-Days Campaign to end Violence Against Women sa temang “UNITED for a VAW-free Philippines.”