Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 5,559 total views

1st Sunday of Advent Cycle B

Catholic handicapped Sunday and National Aids Sunday

Is 63:16-17.19; 64:2-7 1 Cor 1:3-9 Mk 13:33-37

Nasa panahon na tayo ng Adbiyento. Sinisimulan natin ngayong Linggo hindi lang ang isang bagong panahon ng Simbahan kundi ang isang bagong taon ng Simbahan. Happy New Year!
Ang ibig sabihin ng salitang Adbiyento ay pagdating. Sino ang darating? Ang Panginoong Jesus. Kailan siya darating? Sa kanyang ipinangakong muling pagdating. Si Jesus ay pumarito sa lupa. Gumawa siya ng kabutihan. Nagpahayag siya ng Magandang Balita na mahal tayo ng Diyos Ama. Pero hindi siya tinanggap. Pinatay siya. Ipinako sa krus. Ngunit siya ay muling nabuhay. Bilang muling nabuhay, nasaksihan siya ng mga alagad kasi nagpakita siya sa kanila at nakisama pa sa kanila. Pero pagdating ng takdang panahon, siya ay umakyat sa langit kung saan siya galing. Ngunit nangako siya na babalik uli siya. Binabanggit natin sa misa: “Sa kanyang lantarang muling pagdating ang pakikisama niya’y puspusang magniningning. At ang pangako niyang kapana-panabik ay inaasahan naming lubos na makakamit.”

Ito ang pagdating ni Jesus na ating ipinaghahanda. Maraming mga tao ay nakatuon sa pagdating ng Pasko. Siyempre, December na, at 22 days na lang at Pasko na. Oo, ipinaghahanda din natin ito, pero ang pasko ay paalaala lamang ng unang pagdating ng Anak ng Diyos sa atin, noong siya ay naging tao. Hindi naging handa ang Israel, ang bayan ng Diyos noon, na tanggapin siya, kahit na mga isang libong taon nang sinasabi ng mga propeta sa kanila na darating ang Mesiyas o ang Kristo sa kanila. Kaya nga siya ay isinilang sa sabsaban. Walang lugar sa kanya kahit na sa mga bahay panuluyan man lamang sa Bethlehem. Malungkot na sinulat ni San Juan: “Dumating siya sa kanyang bayan at hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.” Hindi sana ito maulit sa atin sa kanyang muling pagdating. Kaya mahalaga ang babala ni Jesus sa kanyang talinhaga na ating narinig: “Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang oras.”

Ang bawat isa sa atin ay binigyan ng kanya-kanyang gawain o pananagutan sa buhay. Ang iba ay magulang, ang iba ay empleyado, ang iba ay magsasaka, ang iba ay estudyante at marami pang tungkulin sa buhay. Sana madatnan tayo ng Panginoon na tapat sa mga tungkulin natin sa buhay. Baka sa kanyang pagdating maratnan tayong natutulog o nagpapabaya o nagwawalang kibo sa mga gawain na inaasahan sa atin. Ito ang paghahanda na inaasahan sa atin.

Maganda na ginagawa natin ang ating tungkulin sa buhay. Pero sinabi natin sa ating pambungad na panalangin sa misang ito: “Sa pagdating ni Kristo makasalubong nawa kaming may mabubuting gawa.” Ang panahon ng Adbiyento ay panahon din ng paggawa ng kabutihan. Tumulong tayo sa ating kapwa, lalo na sa kapwang nangangailangan. Sa ganitong paraan natatanggap natin ngayon pa lang ang Panginoon sapagkat ang ginagawa sa mahihirap ay ginagawa natin sa Panginoon. Jesus identifies himself with the poor.

May magandang nangyayari ngayon. Maraming mga businesses at maraming mga grupo sa simbahan man o sa labas ng simbahan ay gumagawa ng mga outreaches sa mga mahihirap bilang bahagi ng paghahanda sa pasko. Dumadalaw sila, nagbibigay ng regalo, nagka-carolling, nagpapakain sa mga bata, sa mga bilanggo, sa mga maysakit, sa mga katutubo at mahihirap. Tama at maganda ang ganitong gawain. Sana lumaganap pa ito at maging isang kaugalian na. Huwag lang pagkaabalahan na magparty tayo at maging maligaya tayo sa ating mga exchange gifts, kainan o sayawan. Bigyan natin ng aliw ang mga napapabayaan at magiging tunay na masaya tayo at tunay na matatanggap natin ang Panginoon.

Isang sector ng lipunan na hinihikayat tayong tanggapin at kung maaari ay aliwin at tulungan ay ang mga may kapansahan at ang mga may HIV-AIDS. Kaya ngayon ay Catholic AIDS Sunday at National Handicapped Sunday. Ang HIV-AIDS ay isang sakit na kumakalat ngunit hindi pa nagagamot hanggang ngayon. Wala pang gamot para dito. Pero madalas hindi ito pinag-uusapan at tinatago lang kasi ito ay madalas nakukuha dahil sa irresponsableng sexual activities. Ang sabi ko ay MADALAS kasi hindi naman lahat ay ang sexual activity ang dahilan, at kahit pa iyan ang dahilan, huwag nating pabayaan ang nagkasakit ng ganito. Sila ay may sakit at kailangang tulungan. Sana hindi natin marinig si Jesus na magsalita sa atin: “Ako ay may HIV-AIDS at pinabayaan mo ako.” Ganoon din ang may mga kapansanan. Tulungan din natin sila. Huwag silang ikahiya, bagkus mas alagaan pa nga. Mahalaga din ang buhay nila at maaari pa itong maging bukal ng pagpapala sa atin. May isa akong kilalang babae na may kapansanan. Pero mahal na mahal siya ng kanyang mga kapatid. Noong namatay na ang mga na nag-aalaga sa kanya, ang mga kapatid niya at ang kanilang mga anak ay naghalinhinang umuwi sa kanila para alagaan siya. Siya ang naging dahilan ng pagkakaisa ng mga magkakapatid at ng kanilang mga pamilya. Dahil sa pagmamahal sa kanya patuloy na nagkakaisa ang buong angkan.

Sinulat ni Pablo sa kanyang liham na ating narinig ngayon: “Hindi kayo nagkukulang sa anumang kaloob na espiritual habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Jesus. Kayo ay aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Jesus.” Kaya huwag nating pabayaan ang ating paghahanda sa pagtanggap kay Jesus, hindi lang sa paskong ito ngunit higit sa lahat sa kanyang muling pagdating. Maging handa palagi tayo. Binibigyan din niya tayo ng biyaya upang magampanan ang paghahandang ito. Ang Diyos na darating ay tumutulong sa mga lingkod niyang buong tiwalang nananalig sa kanya. Kaya kasama ni propeta Isaias ay isigaw natin: “Buksan mo ang langit at ikaw ay bumaba sa mundong ibabaw.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 45,739 total views

 45,739 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 60,395 total views

 60,395 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 70,510 total views

 70,510 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 80,087 total views

 80,087 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 100,076 total views

 100,076 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 6,137 total views

 6,137 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 7,234 total views

 7,234 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,839 total views

 12,839 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,309 total views

 10,309 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,357 total views

 12,357 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,685 total views

 13,685 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,931 total views

 17,931 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,359 total views

 18,359 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,419 total views

 19,419 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,729 total views

 20,729 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,458 total views

 23,458 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,644 total views

 24,644 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 26,124 total views

 26,124 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,534 total views

 28,534 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,810 total views

 31,810 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top