1,953 total views
Ang Mabuting Balita, 30 Nobyembre 2023 – Mateo 4: 18-22
NAPAKA KARISMATIKO
Noong panahong iyon, sa paglalakad ni Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sila’y naghahagis ng lambat. Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.” Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.
Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka, kasama ang kanilang ama, at naghahayuma ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.
————
Malamang NAPAKA KARISMATIKO ni Jesus kaya’t iniwan ang lahat ng mga taong tinawag niya at sumunod sa kanya. Marahil, noong tinawag sila, ni hindi nila alam ang ibig sabihin ng maging mamamalakaya ng mga tao. Sa araw na ito, ipinagdiriwang ng Simbahan at kapistahan ni San Andres, isa sa mga apostoles at nakatatandang kapatid ni San Pedro. Bagama’t siya ay natatabunan ni San Pedro, naiulat na ipinahayag niya ang Mabuting Balita sa maraming bansa at siya ay namatay sa krus na hugis ekis.
Kahit sino sa atin, hindi personal na nakilala si Jesus, ngunit kapag binasa natin ang Bagong Tipan ng bukas ang puso, tayo rin ay mabibighani sa kanya sapagkat may saysay ang kanyang mga itinuturo. Tinuruan niya tayong lagyan ng kahulugan ang ating buhay. Siyempre, siya’y Anak ng Tagabigay ng Buhay!
Panginoon, ipinapanalangin namin ang mga mahal sa buhay na naulila ng mga taong namatay para sa Pananampalataya. Nawa’y madama nila ang kapayapaan sa katiyakan na nakamit ng kanilang mahal sa buhay ang buhay na walang hanggan.