17,945 total views
Mariing kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang karahasang nangyari sa loob ng Mindanao State University nitong umaga ng December 3.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng CBCP Social Action Justice and Peace Commission walang puwang sa pamayanan ang anumang uri ng karahasan kaya’t umapela ito sa mga otoridad ng masusing imbestigasyon gayundin ang pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan lalo ngayong Christmas season.
“Caritas Philippines calls for a thorough and expeditious investigation into this heinous act. The perpetrators must be swiftly identified, apprehended, and brought to justice to ensure that such atrocities do not go unpunished,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Ayon sa Philippine National Police alas 7:10 nang mangyari ang pagsabog sa Dimaparo Gymnasium ng MSU habang dumalo ng Banal na Misa ang mga estudyante at kawani ng unibersidad.
Ikinalungkot ng obispo ang insidente lalo’t nagsusumikap ang religious leaders ng Mindanao na isulong ang pagbubuklod sa lugar upang makamit ang kapayapaan ng pamayanan.
“I am appalled by the blatant act of terror that the perpetrators were able to commit especially at this time when we are celebrating the Mindanao Week of Peace!” ani ng obispo.
Nakiramay so Bishop Bagaforo sa mga nasawi sa pambobomba habang nakikiisa sa mga biktima at buong komunidad na apektado ng karahasan kasabay ng panawagang magkaisang isulong ang kapatiran sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, paniniwala at tradisyong kinabibilangan.
“Caritas Philippines urges all stakeholders, including the government, religious leaders, and the community, as a whole, to collaborate in fostering an environment of peace despite the incident. Concerted efforts must be made to prevent the recurrence of such violent incidents and to safeguard the fundamental right to worship without fear of anyone,” giit ni Bishop Bagaforo.
Sa paunang ulat tatlong katao ang nasawi, 40 ang nasugatan habang patuloy pa rin ang mga otoridad sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang mga personalidad na responsable sa MSU bombing.