41,558 total views
Hinimok ng dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang publiko na manalangin at iwaksi ang poot at paghihiganti kasunod ng naganap na pagpapasabog sa Mindanao.
Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, bilang mga mananampalataya ay ating hingin sa Panginoon ang katatagan ng pananampalataya sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok.
“Though our hearts may be filled with anger and thoughts of revenge,that is not the way of those who believe in God. We, as men and women of faith, may feel anger and restlessness, and we may even experience hatred. However, we pray that this will not become the norm, for we are people of faith,” ayon kay Archbishop Valles sa panayam ng Radio Veritas.
Sa ulat, apat katao ang nasawi habang may 50 naman ang sugatan nang pasabugan ang gymnasium sa Mindanao State University sa Marawi kung saan idinaraos ang misa ng mga mag-aaral.
Umaasa din ang arsobispo na mapagtanto ng mga gumawa ng krimen na ang kanilang ginawa ay isang kasamaan.
“To those who committed the terrible acts of murder and killing, may they realize, with the grace of the Lord, that what they have done is an evil act. For the victims, we lift our minds and hearts to the Lord and pray for peace,” ayon pa sa arsobispo.
Una na ring ng mga mambabatas mula sa Mindanao na ayon kay Basilan lone district Representative Mujiv Hataman ay isang terorismo lalo’t ang pagtitipon ay pagpapahayag ng kanilang pananampalataya.
Sinabi naman ni Lanao Del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong na sa ganitong uri ng karahasan ay mahalagang magkaisa ang mga Muslim at Kristiyano bilang isang pamayanan na nagmamalasakitan laban sa mga nais maghasik ng kaguluhan na sinasabing kagagawan ng Islamic state militants.
Kagya’t naman nakipag-ugnayan ang liderato ng Kamara na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez para magpadala ng tulong sa mga biktima lalo na ang mga ginagamot sa Amai Pakpak Medical Center.
Una na ring kinondena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagpapasabog na itinaon sa mahalagang pagdiriwang ng mga katoliko para sa pagsisimula ng panahon ng adbiyento.
Read: https://www.veritasph.net/msu-bombing-kinundena-ng-caritas-philippines/
Bukod sa pagkondena sa naganap na karahasan, pinangunahan naman ng Santo Papa Francisco ang pananalangin para sa mga nasawi at sugatang biktima ng pagsabog, gayundin ang paghihilom at kalakasan para sa mga naulila ng mga nasawi.
Read: https://www.veritasph.net/prelatura-ng-marawi-nagpapasalamat-sa-pakikiramay-ng-santo-papa-sa-msu-bombing/
Ang Marawi-ang tanging Islamic city sa bansa ay binubuo ng higit sa isang milyong populasyon na pinananahanan ng mayorya ng mga Muslim kung saan tatlong porsiyento ang mga katoliko.