8,173 total views
Ika-22 ng Disyembre
(Simbang Gabi)
1 Samuel 1, 24-28
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd
Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.
Lucas 1, 46-56
22nd of December (Aguinaldo Mass)Β (White)
UNANG PAGBASA
1 Samuel 1, 24-28
Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel
Noong mga araw na iyon, nang maawat na si Samuel, dinala siya ng kanyang ina sa Templo sa silo. Nagdala pa siya ng isang torong tatlong taon, tatlumpuβt anim na litrong harina at isang pitsel na alak. Nang maihandog na ang baka, dinala nila kay Eli ang bata. Sinabi ni Ana, βKung natatandaan ninyo, ako po yaong babaing tumayo sa tabi ninyo noon at nanalangin sa Panginoon. Idinalangin ko sa kanya na akoβy pagkalooban ng anak at ito po ang ibinigay niya sa akin. Kaya naman po, inihahandog ko siya sa Panginoon upang maglingkod sa kanya habang buhay.β Pagkatapos nito, nagpuri sila sa Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd
Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.
Pinupuri ko kayo, Poon,
dahil sa kaloob ninyo sa akin.
Pinagtatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway,
sapagkat iniligtas ninyo ako sa kadustaan.
Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.
Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan,
at pinalalakas ninyo ang mahihina.
Kaya, ang dating mayayaman ay nagpapaupa para mabuhay.
Masagana ngayon ang dating maralita.
Ang dating baog, nagsilang ng mga anak,
at ang maraming supling ay sa lungkot nasadlak.
Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.
Kayo, Poon, ay may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay.
Maaari ninyo kaming patayin, maaari ring buhayin.
Maaari ninyo kaming payamanin o paghirapin,
maaari ring ibaba o itaas.
Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.
Mapadadakila ninyo kahit ang pinakaaba,
mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha.
Maihahanay ninyo sila sa mga maharlika,
mabibigyan ng karangalan kahit na ang dustang-dusta.
Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Hariβt batong panulukang
Saligan ng Sambayanan,
halinaβt kamiβy idangal.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 1, 46-56
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, ipinahayag ni Maria ang awit na ito:
βAng puso koβy nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, akoβy tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng saliβt saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mga mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!β
Nanatili si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Ikapitong Araw
Kahanga-hanga ang ginawa ng Diyos di lamang kay Maria, kundi pati na rin sa atin. Magpasalamat tayo sa Kanya:
Salamat sa Iyo, Panginoon!
Para sa kaloob na ganap na saligan ng lahat ng iba pang kaloob ng Panginoon, magpasalamat tayo!
Para sa buhay at lahat ng pagkakataong kaloob ng Diyos upang tayoβy maging kasangkapan ng Kanyang pag-ibig sa kapwa, magpasalamat tayo!
Para sa kaloob Niyang si Hesus, na ating Panginoon at Tagapagligtas na nagbukas ng pintuan ng langit, magpasalamat tayo!
Para sa kaloob Niyang Simbahan at mga bunga ng kabanalang lumago roon sa loob ng maraming siglo at nagpapatuloy hanggang ngayon, magpasalamat tayo!
Para sa kaloob na Salita ng Diyos na para sa atin ay bukal ng kaliwanagan, tibay ng loob, at kasiglahan, magpasalamat tayo!
Para sa mga kaloob na Sakramento ng ating pakikipagtagpo kay Kristong muling nabuhay at pinaghahanguan ng kailangang lakas upang mamuhay alinsunod sa Ebanghelyo, magpasalamat tayo!
Para sa lahat ng may malubha at permanenteng kapansanan. Maging sentro nawa sila ng atensyon at pagkalinga ng lipunan, manalangin tayo!
Panginoong Diyos, Bukal ng lahat ng buti at buhay, patuloy Mo kaming pagkalooban ng Iyong pagpapala. Tulutan Mong kami at lahat ng aming gawan ay maging patuloy na pasasalamat sa Iyong nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen!