Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 18,374 total views

Homiliya para sa Unang Araw ng Simbang Gabi, Ika-16 ng Disyembre 2023, Juan 5:33-36

Tungkol sa SIMBAHANG NAGMIMISYON ang magiging general topic ng ating mga pagninilay nitong buong simbang gabi. Ito kasi ang pinaka-buod na layunin ng isang simbahang “sinodal” o sa simpleng salita, simbahang bukas at laging handang lumabas sa sarili para makilakbay sa bawat kapwa-tao. Makasaysayan ang kasalukuyang nagaganap na “Synod on Synodality” sa buong Simbahang Katolika. Nagsimula ito noong October 2021. Kung naaalala pa ninyo, mula sa parish level, umakyat ang mga konsultasyon sa simbahan sa national at continental assemblies at nagbunga naman ito ng working document para sa global level.

Sa global level naman, katatapos lang nitong nakaraang October 2023 ng first session ng Synod sa Rome. Kasama ako sa 370 voting delegates na nag-participate. Dahil “work in progress” pa ito, ang 40-pages na synthesis report na ibinunga ng first session ay ibinalik sa mga local churches sa buong mundo para mapag-aralan, bilang preparasyon para sa second session na mangyayari next year, sa October 2024, at magbubunga naman ng mga resolutions na isa-submit kay Pope Francis, at ilalabas ng Santo Papa bilang isang apostolic exhortation sa bandang simula ng 2025 na idedeklara bilang Jubilee Year ng simbahan.

Para sa araw na ito, ang pinaka-summary ng ating pagninilay ay isang kasabihang Pilipino na alam nating lahat: “Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa.”Parang likas na napaka-relihiyoso nating mga Pilipino. Bukambibig natin ang “May awa ang Diyos,” pag tinanong tayo kung mangyayari ba o hindi ang mga pinapangarap natin sa buhay. Pero mukhang alam din natin na kahit totoong nakasalalay ang buhay natin sa awa ng Diyos, hindi naman ito basta mangyayari kundi tayo kikilos o gagawa. Kahit naniniwala tayong hulog ng langit ang mga biyayang tinatamasa natin, alam din natin na hindi naman literal na nahuhulog ang mga ito mula sa langit. Pinapaisip ng langit pero tinatrabaho pa rin natin.

Madalas kasi kahit may tiwala tayo sa Diyos nakakalimutan natin na may tiwala din ang Diyos sa atin. Kaya ang tunay na patotoo sa awa ng Diyos ay ang mga mabubuting bagay na halos imposible ang dating sa unang tingin pero napangyayari natin o naisasagawa. Ito ang sinasabi ni Hesus sa ating ebanghelyo na mas mahalagang patotoo kesa sa patotoo o endorsement ni Juan Bautista.
Siguro dahil mataas ang pagtingin ng mga Hudyo kay Juan Bautista, kinailangan pa nila ang opinyon ni Juan kung magtitiwala ba sila o hindi sa pamumuno ni Hesus. Kumbaga sa job applicant para ba siyang sinabihan: “ok ka na kasi malakas ang nagrecommend sa iyo.”

Kaya nasabi ni Hesus, “May patotoo na higit pa kaysa kay Juan.” Kahit nga si Juan dumating din sa punto na nagduda siya kung nagkamali ba siya ng pagkilala kay Hesus dahil sa mga intrigang nakaabot sa kanya. Habang nakabilanggo kasi siya, nakaabot sa kanya ang balita na itong inindorso niya ay nakikipag-inuman sa mga lasinggero, nakikisosyalan sa mga tax collectors at prostitutes. Kaya ang tanong na ipinaabot niya ay, “Sabihin mo nga sa akin kung nagkamali ako ng pagpapakilala sa iyo,para humanap na lang kami ng iba?” At ang sagot ni Hesus ay, “Sabihin ninyo kay Juan ang nakikita ninyo at naririnig…” Ibig sabihin, iyong totoo lang ang ireport sa kanya: ang mga mabubuting bagay na naisasagawa ng Ama sa pamamagitan ni Hesus: nakakakitang muli ang mga bulag, nakakalakad na muli ang mga lumpo, napapagaling ang maysakit, at nakakarinig ng mabuting balita ang mga dukha.

Ito rin ang punto ni Propetang Isaias sa ating unang pagbasa. Akala ng mga Hudyo parusa ng Diyos sa mga kasalanan nila ng pagkakasakop at pagkawasak ng kanilang bayan sa mga mananakop. Malay ba nilang magiging daan lang ito upang maipaabot ng Panginoon ang liwanag ng kaligtasan sa lahat ng mga bansa sa buong daigdig. Hindi pala ito sumpa kundi pagpapala. (Blessing in disguise, ika nga) Dahil saan man sila napadpad sa alinmang sulok ng daigdig dala-dala nila ang kanilang pananampalataya nila. Paraan lang pala ito ng Diyos upang kumbaga sa tolda mapaluwagan ng Panginoon ang espasyo sa loob nito. Na niloob pala talaga niya na magkaroon ng maraming silid sa bahay niya para mas marami ang mapapasok niya. Kaya pala tayo din dapat maging laging handang makilakbay at maglaan ng lugar sa bawat kapwa dito sa mundo.

Parang naulit ang kuwento ng mga Hudyo sa mga Pilipinong OFW. Sila ngayon ang nagiging mga bagong misyunero, sabi nga ni Papa Francisco. Bukod sa Timor Leste, tayo lang ang bansa sa buong Asya na majority ang Katoliko. Malaki ang papel na ating dapat ginagampanan ngayon upang ang liwanag ng pananampalatayang Kristiyano ay tumanglaw sa buong Asya at buong mundo. Para matupad ang misyon nating ito, nasa Diyos ang awa, pero… nasa atin ang gawa. Maligayang pagmimisyon!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 7,447 total views

 7,447 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 17,562 total views

 17,562 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 27,139 total views

 27,139 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 47,128 total views

 47,128 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 38,232 total views

 38,232 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,577 total views

 6,577 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,707 total views

 8,707 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,706 total views

 8,706 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,708 total views

 8,708 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,704 total views

 8,704 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,575 total views

 9,575 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,777 total views

 11,777 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,810 total views

 11,810 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,164 total views

 13,164 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,261 total views

 14,261 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,469 total views

 18,469 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,188 total views

 14,188 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,557 total views

 15,557 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,818 total views

 15,818 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,511 total views

 24,511 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top