Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN

SHARE THE TRUTH

 24,156 total views

Homiliya para sa Pang-apat ng araw ng Simbang Gabi, Martes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 19 Disyembre 2023, Lk 1:5-25

Nitong nakaraang Dec 8, pyestang Immaculate Conception, sa ordinasyon ng tatlong bagong pari ng Diocese of Kalookan, hindi si Mama Mary ang tinutukan ko ng pansin sa homily ko kundi si angel Gabriel. Nagbahagi ako tungkol sa kaugnayan ng papel ni Gabriel sa buhay at misyon ng simbahan sa daigdig: 1) tagahatid ng mabuting balita, 2) tagapagpaunawa sa kalooban ng Diyos, at 3) tagapag-anyaya na makiisa sa plano ng Diyos.

Ang gawaing ito ni Angel Gabriel kung minsan ay madali, pero kung minsan hindi. Depende rin kasi sa disposisyon ng binabalitaan. Kay Mama Mary, hindi nahirapan ang angel; kay Zacarias medyo nahirapan siya ayon sa narinig nating ebanghelyo. Doon sa kwento ng pagdalaw ng anghel kay Mama Mary, humingi lang ng konting clarification si Mama Mary, pero mabilis ang happy ending—mabilis na nasungkit ang matamis niyang oo.

Sa kuwento naman ng pagdalaw ng anghel kay Zacarias, parang inunahan na nga kaagad ni Gabriel ang mga questions na pwedeng itanong ni Zacarias. Siguro dahil sa excitement sa hatid niyang good news. May kasama na kaagad na mahabang paliwanag ang balitang hatid niya tungkol sa magiging misyon ng batang isisilang daw ng kanyang asawa. Pero hindi excitement ang reaksyon ni Zacarias kundi pagdududa. Kumbaga sa surprise birthday party ang na-surprise ay hindi ang sinusorpresa kundi ang nanunurpresa. Sabi ba naman ni Zacarias sa anghel: “Paano ko matitiyak na totoo nga ang sinasabi mo gayong matanda na ako at gayundin ang asawa ko…”

Madalas sabihin ni Pope Francis na ang simbahan may tendency rin na umastang parang si Zacarias. Parang matandang di na masorpresa. Wala nang makitang bago, wala nang pinananabikan, wala nang pinapangarap, nabubuhay na lang sa nakaraan. Ang kahapon, ngayon at bukas ay pareho lang. Para bang nasa maintenance mode; inuulit-ulit na lang ang nakagawian o nakasanayan.

Malungkot, sabi ng Santo Papa, kapag hindi na excited lumabas ang simbahan para magmisyon, para maghatid ng balitang nagbibigay-galak sa mga nasisiraan ng loob. Ganyan kapag tayo-tayo na lang ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Kapag imbes na magpatulóy mas gusto nating magtabóy. Kapag ang simbahan para sa atin ay isang sarado at exclusive na samahan ng mga banal at karapat dapat, imbes na isang bukas na pagamutan para sa mga sugatan at maysakit.

Ganyan kapag naghihintay na lang tayo sa mga masisipag magsimba, mga tipong parokyanong na karamihan ay matatanda na at mga pagód na rin. Kapag wala na tayong ibang alam kausapin kundi ang mga tipong manang na sanay sa simbahan, kapag hindi na natin maakit ang mga bata at kabataan.

Ganyan kapag hinayaan nating maging mistulang mga museo na lang ang ating mga simbahan. Kumbaga sa punongkahoy, parang wala nang ibinubunga, nagsisimula nang malanta. Kapag nakatuon na lang tayo sa sarili at wala nang ibang layunin kundi ang i-maintain na lang ang ating mga institusyon. Kapag hindi na tayo marunong makinig at tumugon sa hamon ng panahon. Kapag hindi na tayo kay Kristo humihingi ng liwanag, wala na rin tayong liwanag na itatanglaw sa mundo.

Makakaawit kayang muli si Zacarias kung di muna siya napipi? Kung di muna siya pinatahimik ng anghel? Kaya siguro ang dinaluhan naming Sinodo sa Roma sinimulan muna sa retreat—sama-samang pananahimik para manalangin at magnilay imbes na magdiskusyon lang at magdebate o magpalitan ng kuro-kuro. Kung may sasabihin, dapat bunga ng panalangin. At pag may nagsalita, tumahimik muna bago iyung susunod, para namnamin ang narinig. Para ang mapakinggan ay ang Diyos sa pamamagitan ng tinig ng bawat isa. Iyon ang susi upang ang simbahang nakikipagkaisang-diwa kay Kristo ay makilahok din sa kanyang buhay at misyon sa kasalukuyang panahon.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 30,541 total views

 30,541 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 61,680 total views

 61,680 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 67,265 total views

 67,265 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 72,781 total views

 72,781 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 83,902 total views

 83,902 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 5,281 total views

 5,281 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 7,411 total views

 7,411 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 7,410 total views

 7,410 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 7,412 total views

 7,412 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 7,408 total views

 7,408 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 8,279 total views

 8,279 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 10,481 total views

 10,481 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 10,514 total views

 10,514 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 11,868 total views

 11,868 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 12,965 total views

 12,965 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 17,174 total views

 17,174 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 12,893 total views

 12,893 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 14,262 total views

 14,262 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 14,523 total views

 14,523 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 23,216 total views

 23,216 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top