Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN (Part 2)

SHARE THE TRUTH

 22,041 total views

Homiliya para sa Panlimang araw ng Simbang Gabi, Miyerkoles sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 20 Disyembre 2023, Lk 1:26-38

Tatawagin nating part 2 ang homily na ito. Part 2 ng ating pagninilay tungkol sa gawain ni angel Gabriel na maghatid ng mabuting balita. Kahapon ang binabalitaan ay si Zacarias; ngayon naman si Mama Mary.

Ang misyon ng anghel ay pagtagpuin ang kalooban ng nagpapabalita (ang Diyos) at ang binabalitaan (si Mama Mary). Ito ang malaking hamon para sa tagapagbalita. Hindi pa lubos ang trabaho niya hangga’t hindi niya napagtatagpo ang kalooban ng Diyos na nagpapabalita at ang taong binabalitaan.

Sa dulo ng ating ebanghelyo ngayon, narinig natin ang linyang “At iniwan siya ng anghel.” Hindi natin ito narinig kahapon, di ba? Sa palagay ko 9 months pang naghintay si Gabriel bago maiwan si Zacarias. Hindi siya umalis hanggang hindi nagwakas ang pagkapipi ni Zacarias matapos na maisilang ni Elisabet si Jun Bautista.

Sa ating unang pagbasa, ang propetang si Isaias ang gumaganap sa papel ng anghel. Meron siyang balita kay Haring Acaz. Nasa gitna sila ng krisis noon. Natatakot ang hari na pabagsak na ang Kaharian niya dahil binabalaan siyang giyerahin ng magkasamang puwersa ng Damascus at Samaria para pilitin siyang makipag-alyansa sa binabalak nilang giyera laban sa Assyria. Imbes na pakinggan ang propeta, hindi na lang daw siya hihingi ng palatandaan. Nagdadahilan pa siya pero ang totoo, hindi siya interesado sa payo ng propeta dahil meron na siyang sariling plano—ang sumuko na lang at magpasakop sa Assyria.

Para bang hindi pa siya nilulusob nasisiraan na agad siya ng loob. Heto ang tanda na bigay ng propeta na magpapalakas sana ng loob niya, kung makikinig lang siya—na maglilihi ang misis niya at manganganak ng magmamana sa trono niya. Ibig sabihin, magpapatuloy ang kaharian niya at ang pangalang ibibigay sa bata ang mabuting balita: EMMANUEL—“sumasaatin ang Diyos.” Pero ano ang silbi kahit sumasaatin ang Diyos kung hindi rin naman tayo “sumasakanya.”?

Ganito rin ang balita ng anghel kay Maria: “Ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo.” Ang hinihingi lang ng anghel ay ang kooperasyon niya upang lukuban siya ng Espiritu Santo at isilang sa mundo ang Anak ng Diyos para magampanan nito ang kanyang misyon. Ang misyon na nakapaloob sa pangalang ibibigay sa bata: YESHUA—ibig sabihin, Diyos na nagliligtas.

Ito ang misteryong madalas kong itanong sa sarili ko. Ba’t di na lang gawin ng Diyos ang pagliligtas na binabalak niya, sa ayaw natin at sa gusto? Bakit kailangan pa niyang kunsultahin ang tao? Maraming beses ko nang nabanggit ito sa inyo: kung may tiwala tayo sa Diyos, may tiwala din siya sa atin. Hindi niya ipipilit ang kalooban niya—laging ipapaabot ito sa atin hindi bilang imposition kundi bilang proposition. Hindi sapilitan. Gumagalang sa ating desisyon, nag-aanyaya ng partisipasyon. Kaya inuulit-ulit din ni Pope Francis na sa isang simbahang sinodal, kung gusto nating makiisa sa misyon ni Kristo kailangan muna tayong makibahagi sa buhay niya.

Hindi aalis ang anghel hangga’t hindi niya nalulubos ang gawain niya: ang pagtagpuin ang kalooban ng Diyos at kalooban ng Tao. Ang pagtatagpo na ito ang susi ng katuparan ng mga plano ng Diyos. Pag nagtagpo ang kagustuhan ng Diyos sa kagustuhan ng tao, ang marami sa inaakalang imposible ng tao ay napangyayari ng Diyos.

Bakit iniwan ni Gabriel si Maria sa dulo ng kuwento? Dahil hindi na siya kailangan. Sapat na ang tugon ni Maria sa paanyaya ng Diyos para masimulan na ang imposible upang ito’y maging posible. Wala daw hindi mapangyayari ang Diyos. Actually maraming hindi mapangyayari ang Diyos kahit gusto pa niya, kung di natin gugustuhin. Ano ang hinihiling ninyo sa Diyos pag nagdarasal kayo? Ang sikreto, kung ibig natin matupad ito ay simple lang—alamin din kung ano ang hinihingi ng Diyos sa atin. Kapag nagtagpo ang dalawa, walang imposible.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,262 total views

 35,262 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 49,918 total views

 49,918 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,033 total views

 60,033 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,610 total views

 69,610 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,599 total views

 89,599 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,436 total views

 7,436 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,566 total views

 9,566 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,566 total views

 9,566 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,567 total views

 9,567 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,563 total views

 9,563 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,436 total views

 10,436 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,637 total views

 12,637 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,670 total views

 12,670 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,024 total views

 14,024 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,120 total views

 15,120 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,329 total views

 19,329 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,047 total views

 15,047 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,417 total views

 16,417 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,679 total views

 16,679 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,372 total views

 25,372 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top