Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, DISYEMBRE 29, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,022 total views

Ika-5 Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang
o kaya Paggunita kay Santo Tomas Becket, obispo at martir

1 Juan 2, 3-11
Salmo 95, 1-2a. 2b-3, 5b-6

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

Lucas 2, 22-35

The Fifth Day in the Octave of Christmas (White)
or Optional Memorial of St. Thomas Becket, Bishop and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 3-11

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, nakatitiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig sa kanya nang wagas. Ganito natin nalalamang tayo’y nasa kanya. Ang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pagkapamuhay ni Hesukristo.

Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo na sa simula pa. Ito’y ang salitang narinig na ninyo. Gayunman, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo. Bago, sapagkat napapawi na ng kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito’y nasaksihan sa buhay ni Kristo at nakikita rin sa atin.

Ang nagsasabing siya’y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang panganib na mabulid siya sa kasalanan. Ngunit ang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi nalalaman ang kanyang patutunguhan, sapagkat binulag siya ng kadiliman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2a. 2b-3, 5b-6

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Awitan ang Panginoon, ngalan niya’y sakdal rikit.

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

Araw-araw ang ginawang pagliligtas ay ilathala.
Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

Panginoon ang may likha ng buong sangkalangitan.
Naliligid siyang lagi ng dangal at kabanalan,
ang lubos n’yang kagandahan ay sa templo mamamasdan.

Magalak ang kalangitan,
at daigdig ay magdiwang.

ALELUYA
Lucas 2, 32

Aleluya! Aleluya!
Para sa lahat ng bansa
liwanag na nagmumula
sa bayan mong dinakila!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 22-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa kautusan ni Moises, ang mga magulang ni Hesus ay pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,
“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako,
yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”
Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 29

Ang pagkakita ni Simeon sa Sanggol na Jesus ay katuparan ng isang pangako. Ilapit natin ang ating mga pag-asam at kahilingan sa Ama na laging tapat sa kanyang mga pangako.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Tapat na Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan, bilang isang pamilya, nawa’y maging isang huwaran at gabay ng mga bansa sa mundo sa kanilang pagsisikap na magkaroon ng pagkakasundo at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maipakita ang higit na pagpapahalaga sa mga miyembro ng ating pamilya na ang pagmamahal ay binabalewala natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilyang nagkahiwa-hiwalay nawa’y magkasundo at muling mabuo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makadama ng init ng pagmamahal at pagkalinga ng mga kasapi ng kanilang sariling pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw na sa mundong ito nawa’y pagkalooban ng walang hanggang katiwasayan at liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, balutin mo kami sa kabutihan at pagtitiyaga. Sa pagpapatuloy ng aming buhay, marapatin mong higit kaming lumago at matularan ang iyong Anak. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 7,712 total views

 7,712 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,835 total views

 14,835 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 22,038 total views

 22,038 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 27,392 total views

 27,392 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,998 total views

 34,998 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Martes, Setyembre 10, 2024

 150 total views

 150 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 510 total views

 510 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 874 total views

 874 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 1,285 total views

 1,285 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 1,599 total views

 1,599 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 2,305 total views

 2,305 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 2,561 total views

 2,561 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 2,943 total views

 2,943 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 3,358 total views

 3,358 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 4,015 total views

 4,015 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »

Sabado, Agosto 31, 2024

 4,020 total views

 4,020 total views Sabado ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 1, 26-31 Salmo 32, 12-13. 18-19. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Mateo 25, 14-30 Saturday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on

Read More »

Biyernes, Agosto 30, 2024

 4,456 total views

 4,456 total views Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 1, 17-25 Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos. Mateo 25, 1-13 Friday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 1, 17-25 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Read More »

Huwebes, Agosto 29, 2024

 4,634 total views

 4,634 total views Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Marcos 6, 17-29 Memorial of the Passion of Saint John the Baptist (Red) UNANG PAGBASA Jeremias 1, 17-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Noong mga

Read More »

Miyerkules, Agosto 28, 2024

 4,901 total views

 4,901 total views Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan 2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18 Salmo 127, 1-2. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Mateo 23, 27-32 Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Memorial of Saint Augustine, Bishop and Doctor of the Church (White) UNANG

Read More »

Martes, Agosto 27, 2024

 5,169 total views

 5,169 total views Paggunita kay Santa Monica 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17 Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13 Panginoo’y paririto upang hatulan n’ya tayo. Mateo 23, 23-26 Memorial of St. Monica, Married Woman (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17 Pagbasa mula sa ikalawang sulat

Read More »
Scroll to Top