Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawain sa pagdiriwang ng Nazareno 2024, isinapubliko ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

 26,999 total views

Isinapubliko ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene ang mga gawain sa pagdiriwang ng Nazareno 2024.

December 30, 2023 ng 11:30 ng gabi ay isasagawa ang nakagawiang Thanksgiving procession sa paligid ng Quiapo habang December 31, 2023 hanggang January 8, 2024 ang misa nobenaryo kung saan ngayong taon itinalaga ng dambana ang lahat ng misa para sa paghahanda sa kapistahan.

Ang misa nobenaryo ay live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM mula December 31, 2023 hanggang January 8, 2024 ng alas 6 ng gabi.

Isasagawa ang barangay visitation sa paligid ng Quiapo mula January 1 hanggang 6 habang sa 3 at 4 naman ang replica blessing at procession sa ala 1:30 ng hapon.

Sa January 6 ganap na ikaanim ng gabi isasagawa ang misa para sa volunteer’s ng Nazareno 2024 na susundan ng pagbubukas sa Pahalik sa ikapito ng gabi na magpapatuloy hanggang January 8 sa Quirino Grandstand.
Sa January 8 ng alas 5:30 ng hapon isasagawa ang Panalangin sa Takipsilim na susundan ng vigil at ilang palatuntunan sa ikaanim ng gabi.

Magsisimula ang Fiesta Mass sa January 8 ng alas tres ng hapon hanggang alas 11 ng gabi habang sa January 9 ng hatinggabi isasagawa ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand na pamumunuan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na susundan din ng prusisyon ng imahe ng Poong Nareno pabalik sa dambana ng basilica.

Bagamat ibabalik ang tradisyunal na prusisyon ay natatangi ito ngayong 2024 sapagkat ilalagay sa glass case ang imahe upang mabigyang proteksyon at magkaroon ng pagkakataon ang mga debotong makita ito habang ipinuprusisyon.

Live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM, DZRV facebook page, Cignal channel 313 at Sky cable channel 211 ang fiesta mass, misa mayor ni Cardinal Advincula sa Quirino grandstand at prusisyon ng imahe ng Poong Hesus Nazareno hanggang sa makabalik ito sa Minor Basilica of the Black Nazarene.

Magpapatuloy naman ang fiesta masses sa Quiapo Church mula alas dose ng hatinggabi hanggang alas onse ng gabi kung saan sa kabuuan may 33 misa sa kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.
Tema sa Nazareno 2024 ang “Ibig naming makita si Hesus” na hango sa ebanghelyo ni San Juan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 28,449 total views

 28,449 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 43,526 total views

 43,526 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 49,497 total views

 49,497 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 53,680 total views

 53,680 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 62,962 total views

 62,962 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 171 total views

 171 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 246 total views

 246 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 765 total views

 765 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’. Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon. Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

 912 total views

 912 total views “We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections. Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan. “Vote

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“Whatever God want me to do, I will do it” – Bishop Labajo

 1,050 total views

 1,050 total views “Malipayon kong modawat sa maong assignment.” Ito ang mensahe ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur. Sinabi ng obispo na higit nitong isasabuhay ang kanyang episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging host ng AACOM, ipinagpasalamat ng Archdiocese of Cebu

 1,074 total views

 1,074 total views Ikinagalak ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagiging host archdiocese ng ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon sa arsobispo magandang pagkakataon ang pagtitipon na isang paraan upang muling paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang habag at awa. “We feel privilege once more to host the AACOM

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur, itinatag ng Santo Papa

 1,106 total views

 1,106 total views Itinatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diocese of Prosperidad na magpapastol sa mananampalataya ng Agusan Del Sur. Kasabay nito itinalaga ng santo papa si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo sa itinatag na diyosesis. Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diocese of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

 1,727 total views

 1,727 total views Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas. Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, pinaalalahanan ng Papal Nuncio sa dakilang habag at awa ng Panginoon

 1,788 total views

 1,788 total views Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya sa dakilang habag at awa ng Panginoong ipinadama sa sangkatauhan. Sa pagbukas ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang pag-alay ni Hesus ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, dismayado sa kalagayan ng mga katutubo

 2,304 total views

 2,304 total views Dismayado si CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa bansa na patuloy nakararanas ng karahasan. Sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 13 sinabi ng obispo na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga katutubo sa bansa ay patuloy itong pinahihirapan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Palalimin ang pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon, hamon ng Obispo sa AACOM delegates

 2,338 total views

 2,338 total views Hinikayat ni World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga delegado sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na gamiting pagkakataon ang pagtitipon para mas mapalalim ang pang-unawa sa dakilang habag at awa ng Panginoon. Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng AACOM na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang mga pari ng arkidiyosesis sa panibagong tungkulin.

 2,345 total views

 2,345 total views Kabilang na rito si Barangay Simbayanan anchor priest Fr. Douglas Badong na itinalagang kura paroko ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo Manila. Bukod kay Fr. Badong itinalaga rin si Fr. Edrick Bedural bilang Assistant Minister ng Catechetical Foundation ng arkidiyosesis at Vice Rector ng Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Ordination ng Bishop-elect ng Diocese of Gumaca, itinakda sa December 28, 2024

 4,618 total views

 4,618 total views Itinakda ng Diocese of Gumaca ang episcopal ordination ni Bishop-elect Euginius Canete, JR., M.J sa December 28, 2024. Ito ang inanunsyo ni Gumaca Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte bilang paghahanda ng diyosesis sa pagdating ng bagong pastol. Gaganapin ang ordinasyon sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Vocation is a way of life, paalala ni Bishop Dael sa mga seminarista

 4,620 total views

 4,620 total views Pinaalalahanan ni Tandag Bishop Raul Dael ang mga seminarista na paigtingin ang pananalangin upang higit maramdaman ang kalinga ng Diyos. Inihalintulad ng obispo ang buhay ng mga banal na sa kabila ng mga kahinaan ay patuloy nagtitiwala sa kalinga ng Panginoong nakikilakbay sa bawat misyong kinakaharap. Binigyang diin ni Bishop Dael na ‘vocation

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Cardinal Tagle sa deepfake AI

 4,689 total views

 4,689 total views Muling nagbabala ang opisyal ng Vatican sa mananampalataya na maging maingat sa mga nababasa at napapanuod online. Ayon kay Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle, laganap sa internet ang mga Artificial Intelligence (AI) generated content na kadalasang sanhi ng pagkalinlang ng maraming mamamayan. Tinuran ng cardinal ang kanyang mga AI

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top