893 total views
Hinikayat ng mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na ipagkatiwala sa Diyos ang paglalakbay sa taong 2024.
Ayon kay CBCP Family and Life Chairman, Paranaque Bishop Jesse Mercado nawa’y mapagnilayan ng tao ang katatagang mapagtagumpayan ang mga hamong naranasan sa nakalipas na taon sa tulong ng Panginoon kaya’t nararapat na paigtingin ang pananampalatayang magdudulot ng tagumpay sa buong taon.
“As we embark on this new year, let us reflect on the reasons we have for being hopeful. Despite the trials we may face, let us draw strength from the resilience and spirit of unity that bind us together. Our collective efforts, prayers, and unwavering faith serve as beacons of hope, lighting the path toward a brighter future,” ayon kay Bishop Mercado.
Iginiit ng obispo ang pag-asang nakaugat sa pag-ibig at katapatan ng Panginoon sa kanyang pangakong kaligtasan ng sangkatauhan na magbibigay inspirasyon sa pagkamit ng tagumpay.
Sinabi naman ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na kasabay ng pag-asa ang pananalig sa pamamatnubay ng Panginoon sa tinatahak na landas sa paglalakbay sa mundo.
“As believers in God’s providence, we trust that He will be with us every step of the way, guiding us, comforting us, and helping us to overcome the obstacles that lie ahead. Let us enter this New Year with the confidence that, with God’s grace, we have the strength to face whatever challenges may come our way and the ability to find joy and fulfillment in our lives,” saad ni Bishop Uy.
Giit pa ni Bishop Uy nawa’y gawing huwaran ang pananampalataya ni Maria na Ina ng Diyos na buong kababaang loob tumugon sa misyong ipaglihi ang anak ng Diyos.
Kapwa nanawagan ang dalawang obispo ng patuloy na mga panalangin para sa kapayapaan ng buong daigdig lalo’t kasabay ng pagsalubong ng bagong taon ay ginugunita ng simbahan ang ika – 57 World Day of Prayer for Peace na pinasimulan ni noo’y Santo Papa St. Paul VI.