57,227 total views
Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas.
Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation.
Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial Communities.
Ang pagpanaw ni Bishop Lunas ay ipinabatid ni Digos Bishop Guillermo Afable.
“With great sadness in heart and soul, I wish to confirm to all that our dear Bishop Ronald “Bong” Lunas has joined the Father in heaven this morning. May we all together, with his family and the Clergy, Religious, and Lay faithful of the Diocese of Digos, and also with the Clergy, Religious and Lay faithful of the Diocese of Pagadian, commend Bp. Bong to the loving embrace of the Blessed Trinity thru the intercession of our Mother, Mary Mediatrix of all Grace. REQUIESCAT IN PACE,” ayon kay Bishop Afable.
Ang 57-taong gulang na si Bishop Lunas ay isinilang sa sa Bala, Magsaysay sa Diocese ng Digos noong November 27, 1966 ay itinalaga sa Diocese ng Pagadian noong 2019 bilang kahalili ng nagretirong si Bishop Emmanual Cabajar na naglingkod sa loob ng 14 na taon.
Ang simbahan ng Pagadian ay tinatayang may isang milyong mga katoliko na kabilang sa mga diyosesis na nagsusulong sa interreligious dialogue.
Bukod sa Diocese ng Pagadian, may walo pang diyosesis ang sede vacante o walang nangangasiwang obispo.
Kabilang na ang mga diyosesis na sede vacante ang Alaminos, Baguio, Balanga, Catarman, Gumaca, Ipil, San Pablo at Tarlac.