6,885 total views
Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
1 Samuel 8, 4-7. 10-22a
Salmo 88, 16-17. 18-19
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Marcos 2, 1-12
Friday of the First Week in Ordinary Timeย (Green)
UNANG PAGBASA
1 Samuel 8, 4-7. 10-22a
Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel
Noong mga araw na iyon, ang matatanda ng Israel ay nagsadya kay Samuel sa Rama at kanilang sinabi, โMatanda na kayo. Ang mga anak naman ninyoโy ayaw sumunod sa inyong mga bakas. Ang mabutiโy ipili ninyo kami ng isang haring mamamahala sa amin tulad sa ibang bansa.โ
Nalungkot si Samuel dahil sa kahilingan ng mga tao, kayaโt dumalangin siya sa Panginoon. Sinabi naman sa kanya ng Panginoon, โSundin mo lahat ang sinasabi nila sapagkat hindi ikaw kundi ako ang inaayawan nilang mamahala sa kanila.โ
Lahat ng sinabi ng Panginoon kay Samuel ay sinabi nito sa mga Israelita. Ito ang sabi niya, โGanito ang gagawin sa inyo ng magiging hari ninyo: Kukunin niya ang mga anak ninyong lalaki upang gawing kawal; ang ibaโy sakay ng karwaheng pandigma, ang ibaโy mangangabayo at ang iba namaโy lakad ng mangunguna sa pagsalakay. Ang ibaโy gagawin niyang pinuno para sa libu-libo at sa lima-limampu. Ang ibaโy itatalaga niya sa kanyang bukirin at sa gawaan ng mga kagamitan at karwaheng pandigma. Ang inyong mga anak na babae naman ay gagawin niyang manggagawa ng pabango, tagapagluto at tagagawa ng tinapay. Kukunin din niya ang pinakamagaganda ninyong bukirin, ubasan, taniman ng olibo at paaalagaan sa kanyang mga tauhan. Kukunin din niya ang ikasampung bahagi ng inyong ani sa bukid at ubasan para ibigay sa kanyang mga pinuno at mga katulong sa palasyo. Kukunin niya pati ang inyong mga alila, babaeโt lalaki, ang pinakamagaganda ninyong baka, kabayo at asno. Kukunin din ang inyong kawan at kayoโy gagawin niyang alipin. Pagdating ng araw na yaon, idadaing ninyo sa Panginoon ang inyong hari na kayo na rin ang pumili ngunit hindi niya kayo pakikinggan.โ
Hindi rin pinansin ng mga Israelita ang sinabi ni Samuel. Sa halip, sinabi nila, โKahit ano ang gawin sa amin ay ibig pa rin naming hari ang mamahala sa amin. Sa gayun, matutulad kami sa ibang bansa pamamahalaan kami ng isang haring magtatanggol sa amin laban sa mga kaaway.โ Ang lahat ng itoโy sinabi ni Samuel sa Panginoon.
Sinabi naman sa kanya ng Panginoon, โSundin mo ang gusto nila. Bigyan mo sila ng hari.โ
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 16-17. 18-19
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Mapalad ang taong sa โyoโy sumasamba,
sa pagsamba nilaโy inaawitan ka
at sa pag-ibig moโy namumuhay sila.
Sa buong maghapon, ikaโy pinupuri,
ang katarungan moโy siyang sinasabi.
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Ang tagumpay namin ay iyong kaloob,
dahilan sa iyong kagandahang-loob.
Pagkat pinili mo yaong hari namin,
kaloob mo ito, Banal ng Israel.
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
ALELUYA
Lucas 7, 16
Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng Diyos sa bayan nโya.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 2, 1-12
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, bumalik si Hesus sa Capernaum, at kumalat ang balitang siyaโy nasa kanyang tahanan. Kayaโt nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Hesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, kayaโt binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, โAnak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.โ May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: โBakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi baโt Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?โ
Talos ni Hesus ang kanilang iniisip, kayaโt sinabi niya, โBakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, โIpinatatawad na ang mga kasalanan mo,โ o ang sabihing, โTumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad kaโ? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.โ Sinabi niya sa paralitiko, โTumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!โ Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Silaโy pawang nanggilalas at nagpuri sa Diyos. โHindi pa kami nakakikita ng ganito!โ sabi nila.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Puno ng tiwala tulad ng mga kaibigan ng paralitiko, ilapit natin sa Panginoon ang mga pangangailangan at mga hinaing ng Simbahan at ng buong mundo:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, buhayin mo kaming muli.
Ang Simbahan nawaโy gabayan ng Espiritu Santo sa kanyang pagsasagawa ng misyon ni Kristo na ipahayag ang kapatawaran ng mga kasalanan sa lahat ng mga naghahangad ng awa ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang kapayapaaan sa puso ng mga lalaki at mga babae nawaโy itaguyod nating lahat sa pamamagitan ng ating pagiging handang magpatawad at kalimutan ang mga nagawang pagkakamali, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayong lahat nawaโy maging handang dalhin si Kristo lalo na sa mga taong nawasak ang buhay ng mapait na karanasan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawaโy patuloy na umasa at magtiwala sa Diyos na walang hinangad kundi kagalingan at ang pagiging buo ng bawat isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga yumaong kapatid nawaโy magkaroon ng kaganapan ng buhay sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa kapatawarang ibinigay sa amin ng iyong Anak. Kami rin nawaโy makapagpatawad sa mga nakagawa sa amin ng masama. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.