Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, ENERO 18, 2024

SHARE THE TRUTH

 14,534 total views

Huwebes ng Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Samuel 18, 6-9; 19, 1-7
Salmo 55, 2-3. 9-10ab. 10k-11. 12-13

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

Marcos 3, 7-12

Thursday of the Second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Samuel 18, 6-9; 19, 1-7

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, matapos mapatay ni David si Goliat, nagbalik na si Haring Saul at ang kanyang mga tauhan. Sa bawat bayang madaanan nila, sinasalubong sila ng mga kababaihan na umaawit at sumasayaw sa saliw ng mga pandereta at alpa. Ganito ang kanilang awit:

“Libu-libo ang pinatay ni Saul,
Ang kay David naman ay sampu-sampung libo.”

Nagalit si Saul at naisaloob niya, “Kung sinasabi nilang sampu-sampung libo ang pinatay ni David at ako’y libu-libo lang, kulang na lamang ay siya ang kilalanin nilang hari.” At mula noon naging mainit na ang mata niya kay David.

Minsan, nasabi ni Saul kay Jonatan at sa kanyang mga tauhan ang balak niyang pagpatay kay David. Mahal ni Jonatan si David, kaya sinabi niya rito ang balak ng kanyang ama. Ang sabi niya, “Binabalak kang patayin ng aking ama. Bukas ng umaga, magtago ka sa isang lugar. Yayayain ko naman ang aking ama sa may pinagtataguan mo at kakausapin ko tungkol sa iyo. Pagkatapos naming mag-usap sasabihin ko agad sa iyo ang anumang sasabihin niya.”

Kinausap nga ni Jonatan ang kanyang ama tungkol kay David. “Ama, bakit ibig ninyong patayin si David gayong wala namang ginagawang masama sa inyo? Hindi ba’t pinakikinabangan ninyo siyang mabuti? Ipinain niya ang kanyang buhay nang harapin niya si Goliat at niloob naman ng Panginoon na magtagumpay siya para sa Israel. Alam ninyo ito at inyo pang ipinagdiwang. Bakit ninyo siya papatayin gayong wala siyang kasalanan?”

Dahil dito, nagbago ng isip si Saul. Sinabi niya, “Naririnig ng Panginoon, hindi ko na siya papatayin.” Ang sagot na ito ng hari ay sinabi naman ni Jonatan kay David. Isinama pa siya ni Jonatan sa hari, at tulad ng dati, pinaglingkuran niya ito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 55, 2-3. 9-10ab. 10k-11. 12-13

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

Maawa ka, Panginoon ako’y iyong kahabagan,
lagi akong inuusig, nilulusob ng kaaway;
nilulusob nila ako, walang likat, maghapunan,
O kay rami nila ngayong sa akin ay lumalaban.

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

Ang taglay kong sulirani’y nababatid mo nang lahat,
pati mga pagluha ko’y may talaan ka nang ingat.
Kung sumapit ang sandaling ako sa iyo ay humibik,
ang lahat ng kaaway ko ay tiyak na malulupig;
pagkat aking nalalamang, “Diyos ang nasa aking panig.”

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

May tiwala ako sa Diyos, pangako niya’y iingatan,
pupurihin ko ang Poon sa pangakong binitiwan.
Lubos akong umaasa’t may tiwala ako sa Diyos
kung tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

Ang anumang pangako ko’y dadalhin ko sa ‘yo, O Diyos,
ang hain ng pasalamat ay sa iyo ihahandog.
Pagkat ako ay iniligtas sa bingit ng kamatayan,
iniligtas mo rin ako sa ganap na katalunan;
ako ngayon ay lalakad sa harapan mo, O Diyos,
na taglay ko ang liwanag na ikaw ang nagdulot!

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 7-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, umalis si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya ng maraming taong buhat sa Galilea. Nagdatingan din naman ang napakaraming tao mula sa Judea, sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon nang mabalitaan nila ang lahat ng ginawa ni Hesus. Nagpahanda si Hesus sa kanyang mga alagad ng isang bangkang magagamit niya, upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa. Marami na siyang pinagaling, kaya’t pinagdumugan siya ng lahat ng maysakit upang mahipo man lamang nila. Bawat inaalihan ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” At mahigpit silang pinagbawalan ni Hesus; ayaw niyang ipasabi kung sino siya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Ipinadala ng Ama ang kanyang Anak upang pagalingin tayo. Manalig tayo na hihilumin niya ang ating buong pagkatao, katawan at kaluluwa. Manalangin tayo sa kanya sa pamamagitan ng kanyang Anak.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama sa Iyong pag-ibig, pagalingin at gawin Mo kaming buo.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga namumuno, nawa’y may tapang na harapin at pasanin ang bigat at hamon ng palagiang pagbabago at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong nangangailangan ng tulong nawa’y huwag nating isara ang ating puso, bagkus higit na maging aktibo tayong lahat na makibahagi sa gawain ni Kristo ng pagpapagaling at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y huwag silang mapagod at higit pa nila silang bigyan ng personal na atensyon at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong mayroong sakit na walang lunas at walang angkop na gamot nawa’y palakasin sila ng kanilang pananampalataya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga pumanaw na, dalisayin nawa sila ng mapagpagaling na pag-ibig ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng mga buhay, tulungan mo kaming maipagpatuloy ang gawain ni Jesus na magbasbas at magpagaling upang tunay naming maipahayag sa lahat na Mabuting Balita ang kanyang Ebanghelyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 7,428 total views

 7,428 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 57,991 total views

 57,991 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 6,788 total views

 6,788 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 63,172 total views

 63,172 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 43,367 total views

 43,367 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 1,833 total views

 1,833 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 2,810 total views

 2,810 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 3,299 total views

 3,299 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 3,692 total views

 3,692 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 3,995 total views

 3,995 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 3,470 total views

 3,470 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 3,021 total views

 3,021 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 3,051 total views

 3,051 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 3,365 total views

 3,365 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 3,601 total views

 3,601 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 4,236 total views

 4,236 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 4,493 total views

 4,493 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,876 total views

 4,876 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 5,289 total views

 5,289 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,948 total views

 5,948 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »
Scroll to Top