21,529 total views
Ipinagluluksa ng Simbahang Katolika ang pagpanaw ni Davao Archbishop-emeritus Fernando Capalla.
Ang arsobispo ay pumanaw sa edad na 89 ganap na 1:23 ng umaga ng Sabado January 6.
Ang pagpanaw ng arsobispo na kilala ring bilang si ‘Archbishop Nanding’ ay kinumpirma ng St. Francis Xavier Regional Major Seminary of Mindanao sa Facebook post.
Si Archbishop Capalla ay naglingkod bilang punong pastol ng Archdiocese of Davao sa loob ng halos 18-taon.
“It is with our deepest sorrow that we inform you of the death of our beloved Archbishop Emeritus of Davao, Most Rev. Fernando “Nanding” Capalla, D.D., The Information was relayed from the Fb post of Fr. Dear Morallas, “It is with great sadness that I announce to all of you the passing away of our dearly beloved Archbishop Nanding at exactly 1:23 am today, Jan 6. May he rest in peace!”
Agad ding nagpaabot ng mensahe at panalangin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines CBCP) sa pagpanaw ng arsobispo na nagsilbi ring pangulo ng kalipunan noong mula taong 2003 hanggang 2005.
“What you saw dimly before, you now see face to face. May the Lord let his face shine on you and be gracious unto you. May he look kindly upon you who have taken his sweet yoke on your shoulders in all gentleness and humility, and give you rest,” ayon sa Facebook post ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.
Si Archbishop Capalla ay isinilang sa Leon town, Iloilo noong November 1, 1934 at naordinahang pari noong March 18, 1961 sa ilalim ng Archdiocese of Jaro sa Iloilo.
Itinalaga si Archbishop Capalla bilang Auxiliary Bishop ng Davao ni Pope Paul VI noong April 8, 1975 kung saan naganap ang kanyang episcopal ordination at installation noong June 18, 1975.
April 25, 1977 ng itinalaga ni Pope Paul VI si Archbishop Capalla bilang Prelate of Iligan kung saan opisyal siyang naging Obispo sa lugar noong November 15, 1982 matapos na gawing diyosesis ni St. Pope Paul II ang Iligan.
Nagsilbi ring Apostolic Administrator of Marawi si Archbishop Capalla mula October 17, 1987 hanggang taong 1991.
Itinalaga naman si Archbishop Capalla bilang Coadjutor Archbishop of Davao noong June 28, 1994 bago iniluklok bilang ganap na Arsobispo ng Davao noong November 28, 1996.
Si Archbishop Capalla ang ikatlong arsobispo ng Archdiocese of Davao na naglingkod ng halos 18-taon bilang punong pastol ng arkidiyosesis bago nagretiro noong February 11, 2012.
Nakilala rin si Archbishop Capalla para sa kanyang adbokasiya na pagsusulong ng Ecumenical at Interreligious Dialogue kung saan nagsilbi rin siyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines
Kabilang sa kanyang natanggap na pagkilala para sa pagsusulong ng interfaith dialogue ang San Lorenzo Ruiz Award for Peace and Unity noong 1991, Ateneo de Manila University Public Service Award for Peace noong 1998, at Aurora Aragon Quezon Peace Award for Peace Advocacy and Peace Building noong 2000.