Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 104,138 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin tuwing Enero ang National Zero Waste Month. Layon ng kampanyang ito na isulong ang sustenableng paraan ng pamumuhay at sistema ng produksyon at pagkonsumo ng mga produkto upang higit na mabawasan ang basurang nililikha natin. Tunay ngang napapanahon ang kampanyang ito lalo na’t kasunod ito ng holiday season kung kailan sandamakmak na basura ang naiiwan matapos ang mga pagdiriwang.

Bilang mga Pilipino, mahalaga sa atin ang tradisyon ng pagbibigay ng regalo, pagsasalu-salo kasama ang pamilya’t mga kaibigan, at iba pang mga aktibidad upang ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon. Ngunit tila naging parte na rin ng tradisyon natin ang pagkakaroon ng napakaraming basura sa panahong ito. Ayon sa LGU ng Maynila, 41 toneladang basura ang nakolekta sa Luneta Park noong Pasko lamang. Sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR), ang bansa ay lumilikha ng 61,000 na tonelada ng basura araw-araw. Kasama rito ang 163 milyon na plastic sachets, 48 milyon na shopping bags, at 45 milyon na thin-film bags. Ayon pa sa kagawaran, 33% lamang nito ang naitatapon sa mga landfills at dumpsites. Hindi bababa sa 35% napupunta sa iba’t ibang lugar kung saan nagdudulot ang mga ito ng panganib sa kalusugan ng tao at sa mga dagat kung saan napipinsala naman ang marine life.

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis na ang malalim na problema sa basura ay konektado sa tinatawag na “throwaway culture.” Ito ay ang pamumuhay kung saan madalas nating itinatapon kaagad ang mga bagay bilang basura matapos gamitin ang mga ito kahit maaari pa silang pakinabangan. Pinalalalâ naman ito ng sobra-sobrang pagkonsumo ng mga likas na yaman at ng mga produkto na higit pa sa pangangailangan natin. Paalala pa ng Santo Papa, lahat ng ito ay nakaugat sa kasalukuyang sistema ng ekonomiya at modelo ng pag-unlad na nakasentro sa kita o profit.

Sa pagpapalago ng kita ng mga korporasyon, tila sina-subsidize pa ng taumbayan ang produksyon nila ng mga bagay na nagiging basura. Tinatawag na negative externalities ang mga gastos na pinapasan ng pamahalaan at mga indibidwal para tugunan ang masasamang epekto sa kalikasan at lipunan ng mga basurang mga pribadong kumpanya ang sanhi. Halimbawa nito ang mga externalities ng single-use plastic packaging. Gumagastos ang gobyerno sa waste management. Gumagastos tayo para sa kalusugan at kabuhayang naapektuhan ng plastic pollution. Kaya naman, napakahalagang maipatupad ang Extended Producer Responsibility (EPR) law upang mapanagot ang mga kumpanyang malaki ang kontribusyon sa krisis sa basura. Noong 2023, nasa 20% o halos 800 pa lang sa 4,000 na kumpanya ang sumusunod sa requirements ng EPR law.

Maliban sa pagpapatupad ng mga patakarang naglalayong tugunan ang problema sa basura, marami rin tayong pwedeng gawin bilang mga miyembro ng ating komunidad. Sa pagdiriwang ng Zero Waste Month, hikayatin natin ang isa’t isang bawasan ang itinatapon nating basura sa loob at labas ng ating mga tahanan. Isama natin sa mga New Year’s resolution ang pag-refuse, reduce, reuse, repurpose, and recycle ng mga produkto upang mabawasan ang mga basurang napupunta sa mga landfills, sa kapaligiran, o sa mga ilog at dagat. Lahat tayo ay may papel sa pagbabago ng ating kultura—ng ating paraan ng pamumuhay—tungo sa mas sustenableng lipunan para sa kabutihang panlahat. Gusto ba nating iwan sa ating mga anak ang isang planetang mistulang tambakan ng basura?   

Mga Kapanalig, katulad ng pagmamahal at pagkabukas-palad na ipinaabot natin sa ating kapwa noong “season of giving,” kasama rin sana sa binibigyan natin ng atensyon at pangangalaga ang ating common home, ang nag-iisa nating tahanan, gaya ng wika sa Genesis 2:15.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 40,281 total views

 40,281 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,937 total views

 54,937 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,052 total views

 65,052 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 74,629 total views

 74,629 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,618 total views

 94,618 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 40,282 total views

 40,282 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,639 total views

 3,639 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 54,938 total views

 54,938 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,053 total views

 65,053 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 74,630 total views

 74,630 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,619 total views

 94,619 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,546 total views

 49,546 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,571 total views

 44,571 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 48,140 total views

 48,140 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,595 total views

 60,595 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,662 total views

 71,662 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,981 total views

 77,981 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,591 total views

 82,591 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 84,151 total views

 84,151 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,712 total views

 49,712 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top