Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabong ng mga lokal na pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 102,513 total views

Mga Kapanalig, inihalintulad ng mamamahayag na si Anna Cristina Tuazon ang mga barangay ng “Embo” sa sanggol na pinag-aagawan ng dalawang ina sa kuwento ni Haring Solomon. 

Gaya ng mababasa natin sa 1 Mga Hari 3:16-28, nagbanta si Haring Solomon na hahatiin ang sanggol gamit ang espada. Tumutol ang tunay na ina at pumayag na lang na ibigay ang sanggol sa isang ina. “Ibigay na po ninyo sa kanya ang bata, huwag lamang ninyong patayin,” apila niya. Sumang-ayon naman ang huwad na ina sa plano ng hari. Sagot niya, “Sige, hatiin ninyo ang bata upang walang makinabang kahit sino sa amin!” Sa ganoong paraan, nalaman ni Haring Solomon kung sino ang tunay na ina—ang babaeng uunahain ang kapakanan at buhay ng kanyang anak. 

Ang mga barangay ng Embo na kinabibilangan ng Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, at Rizal ay dating sakop ng Makati. Ngunit idineklara ng Korte Suprema na bahagi ng Taguig ang mga ito. Gayunpaman, hindi malinaw sa desisyon ng hukuman kung saan mapupunta ang mga pasilidad katulad ng mga paaralan at health centers na ipinatayo at pinondohan ng Makati. 

Umpisa pa noong nakaraang taon, wala nang habas ang patutsadahan at pagtatalo ng dalawang siyudad sa mga pampublikong pasilidad at sa paghahatid ng serbisyo sa mga taga-Embo. Sa pagpasok ng 2024, dalawandaan libong residente ng mga barangay ng Embo ang nawalan ng access sa mga serbisyong medikal mula sa Makati. Isinara ng Makati ang mga health centers at lying-in clinics dahil pasó na raw ang license to operate ng mga ito. Paliwanag ng LGU ng Taguig, hindi raw kailangan ng lisensya ng health centers. Sinalungat ito ng LGU ng Makati. Sa katunayan, pinaalalahanan pa raw ng Department of Health ang LGU ng Taguig na i-renew ang lisensya ng mga health centers. Natanggal din ang mga taga-Embo sa yellow card health-care program ng Makati kung saan binibigyan ng libreng gamot at serbisyong medikal sa Ospital ng Makati ang mga residente. 

Una nang naging isyu ang paghahatid ng serbisyong edukasyon sa mga taga-Embo. Dahil sa hindi malinaw ang nakasasakop sa mga paaralan, naglabas ang Department of Education ng kautusang nagsasabing ang kagawaran muna ang direktang mamamahala sa mga apektadong paaralan habang wala pang maayos na transition plan. 

Ang pagkakaantala sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga taga-Embo ay usapin ng buhay at kamatayan. Kapakanan at kalusugan ng libu-libong apektadong residente ang naiipit sa nagsasabong na mga lokal na pamahalaan. Taliwas ito sa mga turo ng Simbahang sinasabing dapat na prayoridad ng pamamahala ang pagtataguyod sa dignidad at kabutihan ng tao. Ibig sabihin, ang sentro ng pamamahala ay ang paglilingkod sa taumbayan, hindi ang pag-aangkin sa kapangyarihan o paggigiit na iisa lamang ang tama at dapat masunod. Ang mamamayan ang laging talo sa maruming pulitika at magulong pamamahala. 

Mga Kapanalig, ang iringan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Taguig at Makati ay isang patotoong kailangan natin ng mga institusyon at lider na uunahin ang kapakanan ng taumbayan kaysa ang kapangyarihang nakatuon sa makikitid na interes. Hamon ang pagkamit ng ganitong mga institusyon at mga lider sa taumbayang dapat na nagsasalita at pinapanagot ang mga nasa gobyerno sa tuwing nakaliligtaan nila ang layunin ng kanilang pamamahala. Sa huli, hindi natin kailangan ng mga huwad na lider at pamahalaang pipiliin ang ating kapinsalaan o maging ang ating kamatayan, masiguro lamang na hindi sila malalamangan sa pulitika. Ang kailangan natin ay mga pinunong uunahin ang kabutihan ng kanilang mga dapat na pinaglilingkuran. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 14,676 total views

 14,676 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,332 total views

 29,332 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,447 total views

 39,447 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 49,024 total views

 49,024 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,013 total views

 69,013 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 14,677 total views

 14,677 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,873 total views

 1,873 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,333 total views

 29,333 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,448 total views

 39,448 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 49,025 total views

 49,025 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,014 total views

 69,014 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,223 total views

 47,223 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,248 total views

 42,248 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,817 total views

 45,817 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,272 total views

 58,272 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,339 total views

 69,339 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,658 total views

 75,658 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,270 total views

 80,270 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,830 total views

 81,830 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,391 total views

 47,391 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top