22,111 total views
Ipinapalipat ng Kaniyang Kabanalang Francisco na mailipat sa Diyosesis ng Assisi sa Italy ang pangangasiwa ng Economy of Francesco (EOF) Movement.
Sa liham na ipinadala ng Santo Papa sa Diyosesis, ito ay upang higit na maisulong sa EOF Movement ang mga katuruan at doktrina ng simbahan upang maisubuhay ang mabubuting adhikain na itataas ang antas ng ekonomiya na hindi na sinisira ang kalikasan.
Kasabay ito ng pagsusulong sa global economic system ng mga inisyatibong isasama ang mga pinakamahihirap at pinakanangangailangan tungo sa sama-samang pag-unlad.
“The same Ordinary will be responsible for supervising the Economy of Francesco in accordance with canon law. The Dicastery for Promoting Integral Human Development, which has accompanied you up to this point of the journey, will continue to be at your side for questions relating to the Pontifical Magisterium and the Social Doctrine of the Church. I know that active young people in various regions of the world have been involved to receive insights on organizational development and future governance,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Santo Papa sa Diyosesis ng Assisi Italy.
Labis naman ang pasasalamat ni Assisi Bishop Monsignor Domenico Sorrentino sa tiwalang ibinigay ng Santo Papa upang pangasiwaan ang pinakamalaking pagkilos ng simbahan sa pagpapanibago sa pandaigdigang sistema ng ekonomiya na nakatuon sa pagkalinga sa kalikasan at pangangalaga sa mga mahihirap.
“I hope in due time to ensure that this process, which sees many young people in the world engaged with enthusiasm and skills, can have the success it deserves for the integral renewal of the economy in the name of solidarity, justice and respect for the environment,” ayon naman sa mensahe ni Bishop Sorrentino.