11,939 total views
Ipinaalala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga tumanggap ng Pro Ecclesia et Pontifice o Papal Award na patuloy na maging mapagkumbaba.
Ipinapanalangin ni Cardinal Advincula na sa kabila ng parangal ay ipagpatuloy ng siyam na Papal awardee ang mabubuting gawa upang mai-angat ang antas ng pamumuhay ng kanilang kapwa.
“This award expresses our gratitude, for being our long time partners in the mission and collaborators in evangelization, and so unworthy as I am, in the name of our Holy Father; Pope Francis and the church of Manila, We thank you for your commitment to the teaching of the church, and for your selfless service which have touch the lives of many, leaving an indelible mark on the hearts of you have served, but we also wish to remind you dear awardees to receive this honor and wear this medal with humility, although this award comes from the Pope, it does not raise your status in the church nor make you better christians, being a Papal Awardees should not make you proud or arouse a self of entitlement in you, the truth is this awards is not an assurance of entrance to heaven,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.
Panalangin naman ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila na nawa’y mapukaw ang mamamayan sa mga Papal awardee na hayaang na maging daluyan ang sarili upang maiparating sa kapwa ang pagmamahal at habag ng Panginoon.
“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon at sa ating simbahan sa pamumuno ni Cardinal Joe Advincula sa paggagawa ng parangal sa ating limang Lay Leaders na siyang bumubuo ng pamunuan ng Caritas Manila at mga Donors at mga volunteers sapagkat sa pamamagitan nila, natutulungan tayo, ang simbahan sa pagtulong sa mga mahihirap sa buong Pilipinas kaya nagpapasalamat tayo kila Mr.Ramon Del Rosario Jr, Mr Fernando Zobel De Ayala, Mr.Manny Pangilinan, Ka-Nolly at siempre may Mrs.Maria Golsby, at pagpalain sila ng Panginoon at ipagpatuloy natin ang ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa ating mga mahihirap na matulungan ang kanilang sarili sa ating bayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.
Sa paggagawad ng Papal Awards ay pangunahing pinarangalan ang mga opisyal, donors at volunteers ng Caritas Manila na sila Mr.Ramon Del Rosario – Vice-chairman ng Board of Trustees ng Caritas Manila at CEO ng Philippine Investment and Management Corporation, Mr.Manuel Pangilinan na Board of Trustees ng Caritas Manila na siya ring Managing Director and CEO ng First Pacific at Pangulo ng Metro Pacific Investments ng PLDT-Smart at Manila Electric Company.
Kasama din sa mga nakatanggap ng parangal sila Mr.Fernando Zobel De Ayala Director ng Ayala Corporation na si ring direktor ng Bank of the Philippine Islands at Vice Chairman ng Caritas Manila, Ms.Maria Gonzalez-Goolsby na dating vice-president ng Unionbank at isa sa mga nangungunang donors ng Social Arm ng Archiodiocese of Manila at Arnulfo Verdico na long-time serving at head volunteers ng Caritas Manila.
Bukod sa kanilang lima ay tinanggap din ng limang indibidwal ang Papal Award na mula sa Archdiocesan Shrine ng San Jose De Trozo na sila Roselina Quismundo, Elmer Sy, Corazon Rodriguez at Tomasita Lim.