25,548 total views
Kinondena ng Caritas Philippines ang mapinsalang operasyon ng pagmimina sa Samar Island na lubos nang nakakaapekto sa mga iniingatang likas na yaman ng isla at mga pamayanan.
Ayon kay Caritas Philippines Vice President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, patuloy na isinasantabi ng mining companies ang kapakanan ng mga apektadong pamayanan sa ngalan ng salapi na ang dulot ay labis na pinsala sa kalikasan.
“The devastating impacts on the environment and the lives of the people are a stark reminder of the urgency to act. We condemn the practices that prioritize profit over the well-being of individuals and ecosystems,” ayon kay Bishop Alminaza.
Ang pahayag ng obispo ay bilang pakikiisa at pagsuporta ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Island-wide Jericho Walk Prayer Assembly sa pangunguna ng Diocese of Borongan, na isinasagawa ngayong araw sa Guiuan, Eastern Samar.
Hinihiling ni Bishop Alminaza na nawa’y madinig ng pamahalaan ang hinaing ng mga apektadong pamayanan upang tuluyan nang ihinto ang pagmimina at iba pang gawaing nakapipinsala sa kalikasan at buhay ng mamamayan.
“We raise our voices in prayer, imploring the government to listen to the cries for climate justice. The call for responsible resource management and the protection of vulnerable communities must be heard and acted upon. We urge for a shift towards sustainable development models that prioritize the long-term health of our planet and its inhabitants,” ayon kay Bishop Alminaza.
Samantala, panawagan naman ni Caritas Ph executive director, Fr. Antonio Labiao, Jr. sa mga malalaking kumpanya na panagutan ang mga nilikhang pinsala ng pagmimina sa Manicani at Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar.
Gayundin ang paghikayat sa pamahalaan na isantabi ang pagpapahintulot sa mga mapaminsalang proyekto, bagkus ay suportahan ang mga proyektong nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at isinasaalang-alang ang kapakanan ng mamamayan at mga susunod na henerasyon.
“We stand by the communities seeking redress for the loss and damage caused by mining operations. The ecological destruction and the disruption of livelihoods demand accountability and reparations… We will walk alongside the communities affected by mining, advocating for their rights and seeking solutions that prioritize the common good,” ayon kay Fr. Labiao.
Tema ng Jericho Walk ang “No to Mining and Environmental Degradation in any parts of Samar”