Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahirapang dahil sa nasasayang na biyaya

SHARE THE TRUTH

 95,072 total views

Mga Kapanalig, sa dami ng mga kababayan nating nagugutom at sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin, tone-toneladang gulay at prutas sa ating bansa ang nasisira at naaaksaya lang. 

Ayon sa Department of Agriculture (o DA), tinatayang 30% ng mga ani ng ating mga magsasaka ang naaaksaya dahil sa mahinang logistics o ang mga proseso mula sa produksyon at pag-iimbak, hanggang sa paghahatid ng mga produkto sa mga tindahan at mamimili. Marahil, lampas pa sa daming ito ang nasasayang sa ani ng mga magsasaka sa Cordillera. Kamakailan lang ay napilitan silang ibagsak-presyo o halos ipamigay na ang kanilang mga aning gulay kaysa nga naman mabulok ang mga ito. 

Isa rin sa mga nasasayang na produktong agrikultural ang bigas. Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu-Laurel, hanggang 15% ng taunang produksyon natin ng bigas o 450,000 metric tons ang naaaksaya. Sa nakalipas na apat na dekada raw kasi, walang malalaking post-harvest facilities, katulad ng agri-industrial ports at cold storage facilities, na pinondohan at ipinatayo ang pamahalaan. Kailangan daw mamuhunan ng pamahalaan sa mga ganitong pasilidad upang mabawasan ang mga naaaksayang produkto, na makatutulong namang pababain ang presyo ng mga bilihin sa merkado. Tantya ng kalihim, kung may sapat at maayos na logistics services, maaaring bumaba ng mula 10% hanggang 15% ang presyo ng mga gulay at high-value crops katulad ng mga prutas.

Kailangan siyempre ng pondo upang maisakatuparan ang mga ito. Para sa post-harvest facilities, dagdag ni Secretary Tiu-Laurel, nasa 93 bilyong piso ang kailangan para sa susunod na tatlong taon. Makatitipid naman daw tayo ng halos 10.7 bilyong piso taun-taon mula sa mga naaaksayang bigas at mais kung maipatatayo ang mga pasilidad na ito. Para naman sa cold storage facilities na makatutulong iwasan ang pagkabulok ng mga gulay, kailangan ng halos limang bilyong piso hanggang 2025. 

Maganda ang mga planong inilatag ng DA upang isaayos ang logistics sa industriya ng agrikultura. Kung maisasakatuparan ang mga ito, hindi lang pag-aaksaya ng mga produktong agrikultural ang matutugunan natin. Malaking tulong din ito sa isa sa pinakamahihirap na sektor sa ating bansa—ang mga magsasaka. Ayon sa Philippine Statistics Authority, noong 2021 ay nasa 30% ang poverty incidence sa mga magsasaka. Tatlo sa bawat sampung magsasaka ang hindi kumikita nang sapat upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Sa nasasayang na biyaya, kahirapan ay lumalala.

Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng sama-samang paglaban sa kahirapan. Hadlang ang kahirapan sa kaunlaran ng dignidad ng tao. Pinagkakaitan ang mahihirap ng pantay na access sa mga yaman ng mundo at iba’t ibang oportunidad. Kaugnay ng pagsugpo sa kahirapan ang prinsipyo ng pangkalahatang layunin ng mga bagay sa mundo. Ang ibig nitong sabihin, ang lahat ng nilikha ng Diyos ay dapat na makatarungang pinagbabahaginan ng lahat. 

Kaya naman, malaking hamon sa pagtugon sa kahirapan ang pagkasira ng mga produktong agrikultural. Hindi lang naaaksaya ang mga biyaya ng Diyos. Umiigting pa ang kahirapang dinaranas ng mga magsasakang umaasa sa kakarampot nilang kita at madalas na binabarat ng mga bumibili ng kanilang ani. Bagamat sama-samang tungkulin nating labanan ang kahirapan, higit na mabigat ang tungkulin ng pamahalaang sugpuin ito. 

Mga Kapanalig, pagkatapos pakainin ni Hesus ang limang libo, mababasa natin sa Juan 6:12 ang Kanyang paalala sa kanyang mga alagad: “Tiyakin ninyong walang masasayang [na pagkain].” Ito rin ang paalala sa ating gobyerno, kaya hindi sana manatiling plano ang mga inilatag ng DA upang tiyaking walang nasasayang na biyaya. Kailangang maging kongkretong aksyon ang mga ito at ang mga benepisyo ay direktang matamasa ng mga kababayan nating magsasaka. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,977 total views

 38,977 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,633 total views

 53,633 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,748 total views

 63,748 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 73,325 total views

 73,325 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,314 total views

 93,314 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 38,978 total views

 38,978 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,543 total views

 3,543 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,634 total views

 53,634 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,749 total views

 63,749 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 73,326 total views

 73,326 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,315 total views

 93,315 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,416 total views

 49,416 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,441 total views

 44,441 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 48,010 total views

 48,010 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,465 total views

 60,465 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,532 total views

 71,532 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,851 total views

 77,851 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,461 total views

 82,461 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 84,021 total views

 84,021 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,582 total views

 49,582 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top