28,255 total views
Tiniyak ni Vatican Secretary General of the Synod of Bishops Cardinal Mario Grech ang pagbabahagi at pag-uulat sa Kanyang Kabanalan Francisco ng kanyang mga naranasan at nasaksihan sa katatapos lamang na three-day Philippine Conference on New Evangelization.
Ayon sa Cardinal, lubos na ikaliligaya ng Santo Papa Francisco na malaman kung gaano kasigla ang pagbabahagi ng ebanghelyo ng mananampalatayang Katoliko sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon.
Paliwanag ng opisyal ng Vatican, kahanga-hanga ang kanyang personal na nasaksihan at naranasang sigla at pananabik ng mga delegado ng PCNE na makibahagi sa mga talakayan at pagninilay para sa higit na pagpapaibayo ng Salita ng Diyos.
“Absolutely when I go back to my base and will meet the Holy Father I will report, I will share with him the experience that graciously I am experiencing these days and I’m sure that when the Holy Father gets to know that there is such a ecclesial community so committed to pray to the Lord, to announce the Gospel in the Church, it is something that really gives him joy.” Ang bahagi ng pahayag ni Cardinal Grech sa Radyo Veritas.
Pagbabahagi ni Cardinal Grech, dahil sa kanyang pakikilahok sa tatlong araw na PCNE X sa University of Santo Tomas mula noong ika-19 hanggang ika-21 ng Enero, 2024 ay mas higit niyang naunawaan at nasaksihan ang masidhing pananampalataya ng mga Pilipino.
Kinilala din ng opisyal ng Vatican ang pambihirang pagsusumikap ng mga pastol ng Simbahan na gabayan at patuloy na pagyabungin ang pananampalatayang Kristiyano sa bansa na naayon sa panawagan Synod on Synodality ng Santo Papa Francisco.
“I knew but now I am more convinced that the talking and the discussions and the prayers we are doing these days are in line with the main objective of the present Synod, why? It is true that the theme of the Synod is for a Synodal Church, but why? A Synodal Church to be prepared for a mission, for evangelization. Perhaps in the past our efforts to evangelize were not so much effective and the results were not as much as we desire because we did not act in a Synodal way because not everyone was engaged, invited, involved in the mission of the Church. So, a Synodal Church is a church that really offers the space for all the baptized so that we can together announce the Gospel to men and women today.” Dagdag pa ni Cardinal Grech.
Tema ng PCNE 10 ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35 na paggunita din sa unang dekada o ika-sampung anibersaryo ng gawain na nagsimula noong 2013 sa pangunguna ng noo’y Arsobispo ng Manila na si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization bilang tugon sa panawagang New Evangelization ng Simbahang Katolika.