32,334 total views
Nagpasa ng Certiorari petition sa Court of Appeals si Stop Kaliwa Dam Network co-convener, Franciscan Fr. Pete Montallana laban sa mga opisyal ng pamahalaan kaugnay sa kontrobersyal na pagpapagawa ng mga kalsada para sa Kaliwa Dam project.
Ayon kay Fr. Montallana, isinantabi ng Office of the Ombudsman ang kanilang reklamo sa kabila ng pag-amin ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa 2020 Senate hearings na nagpatuloy ang Kaliwa Dam access road construction sa gitna ng mga paglabag.
“These public officials must be held accountable over the trees and mountain surfaces carved out by access road construction that are clearly located within the Real, Infanta, Nakar Protected Landscape.” pahayag ni Fr. Montallana.
Enero hanggang Pebrero 2020, nagsagawa ng mga pagdinig ang Senate Committee on Cultural Communities upang imbestigahan ang mga paglabag at epekto sa kapaligiran at mga pamayanan ng itinatayong Kaliwa Dam.
Kabilang sa mga naitalang paglabag ng DPWH at MWSS ang Indigenous Peoples Rights Act, Revised Forestry Code, at ang Expanded National Integrated Protected Area Systems Act, at iba pa.
Sinabi naman ni Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) Senior Legal Fellow, Atty. Ryan Roset na hindi na nagkaroon pa ng diskusyon upang pagtuunan ang isinampang reklamo ng Stop Kaliwa Dam Network, at sa halip ay isinantabi na lamang ito ng ombudsman.
“The Ombudsman clearly and gravely erred in unceremoniously dismissing the complaint. Worse, there was no sufficient discussion on their factual and legal basis either, and no conduct of a formal investigation or any effective exercise of its mandate in the face of overwhelming factual, jurisprudential, and legal evidence. There is also not a single element identified in Section 20 of the Ombudsman Act of 1989 required for an outright dismissal of a case that was present in the complaint-affidavit.” ayon kay Roset.
Nagsimula ang pagpapagawa ng mga kalsada para sa Kaliwa Dam project noong 2018 sa pamamagitan ng inilaang P400-milyong budget mula sa MWSS, dalawang taon bago ilantad ng Senate Committee ang mga pagkukulang at paglabag ng proyekto.