Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mahihirap na naman ang sinisisi

SHARE THE TRUTH

 161,158 total views

Mga Kapanalig, sa isa na namang pagtatangka ng gobyernong linisin ang Ilog Pasig, mga mahihirap na naman ang target na paalisin sa kanilang mga tahanan.

Dalawang Miyerkules na ang nakalilipas nang ilunsad ng pamahalaan ang “Pasig Bigyang Buhay Muli” o PBBM, isang pangalang halatang isinunod sa initials ng presidente. Salamat sa 18 bilyong pisong donasyon mula sa pribadong sektor, mapapaganda na raw ang Ilog Pasig upang maging sentro ng negosyo at turismo. Ang pampang ng ilog mula sa lungsod ng Pasig hanggang Maynila ay patatayuan ng tinatawag na mixed-use development. Sa showcase area kung saan inilunsad ang proyekto—ito ay sa may bahagi ng Manila Central Post Office—magkakaroon daw ng mga public parks, pedestrian-friendly walkway, water fountain, at sitting areas para sa mga open-air events. “Bagong pag-asa” at “isang malaking hakbang patungo sa Bagong Pilipinas” ang PBBM, sabi ni PBBM. 

Hulyo noong isang taon nang lagdaan ni Pangulong BBM ang Executive Order No. 35. Isa itong kautusan upang i-rehabilitate ang Ilog Pasig at ibalik ito sa “historically pristine condition”. Nais ng gobyernong maging malinis ang ilog at ang kapaligiran nito upang magkaroon tayo ng alternatibong transportasyon at mga espasyo para makapaglibang ang ating mga kababayan, lalo na ang mga bata at matatanda. Magagandang layunin ang mga ito, hindi po ba? 

Ngunit kasabay ng paglulunsad ng proyektong buhayin muli ang Ilog Pasig ay ang anunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na kakailanganing alisin ang mahigit 10,000 na informal settler families (o ISFs) sa mga daluyan ng tubig at esterong konektado sa Ilog Pasig. Katulad ng dati, ang mga pamilyang nakatira sa tabing-ilog at mga komunidad na walang kasiguruhan sa paninirahan ang laging sinisisi sa pagiging marumi ng Ilog Pasig. 

Hindi naman natin itinatanggi ang kontribusyon ng mga komunidad na ito sa duming napupunta sa ilog. Pero hindi ba makokontrol iyon kung maayos na kinokolekta ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang basura? Kung may puwang din lamang sila sa mas ligtas na lugar sa mga lungsod, mapipilitan ba silang tumira sa tabing-ilog na napakadelikado rin? 

Dagdag ni Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA) Chairman Romando Artes, pansamantalang ililipat ang mga ISFs sa mga container vans. Ilalagay ang mga ito sa mga itatalagang staging areas o mga lugar kung saan mananatili ang mga apektadong pamilya habang ipinatatayo naman ang pabahay na paglilipatan nila. 

Iyon ay kung may paglilipatan nga sila o kung kakayanin nga nilang lumipat sa mga proyektong pabahay na ito. Ang gusto kasi ng DHSUD, ayon mismo sa MMDA, ay mga high-rise buildings o mala-condominium na pabahay. At hindi libre ang mga ito. Babayaran ng mga pamilya ang paglilipatan nila, at batay sa mga paunang kalkulasyon, hindi kakayanin ng bulsa ng mahihirap ang buwanang hulog para sa isang unit. Lagi namang sinasabi ng DHSUD na may subsidiyang ibibigay ang gobyerno upang maging abot-kaya ang mga proyektong pabahay nito. Ngunit kakayanin ba talagang magbigay ng malaking subsidiya ng gobyerno nang pangmatagalan?

Mga Kapanalig, isa sa mga batayang prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan ang pagkiling sa mahihirap o preferential option for the poor. Sa pagbuhay muli sa Ilog Pasig, makita sana natin ang pagkiling na ito sa pamamagitan ng pagtitiyak ng gobyernong hindi maisasantabi ang mahihirap. Sa halip na hayaang maging tampulan ng sisi at paalisin sa kanilang tirahan na parang basura, isama sana sila sa pagpaplano ng kanilang komunidad. Bigyan din sila ng pagkakataong manatili sa lungsod na lumago dahil sa kanilang pagsusumikap. Tayo namang sabik na sabik na palayasin ang mga ISFs, tandaan sana nating “ang humahamak sa [mahihirap],” ayon nga sa Mga Kawikaan 14:21, “ay gumagawa ng masama.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 15,988 total views

 15,988 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,644 total views

 30,644 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,759 total views

 40,759 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,336 total views

 50,336 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,325 total views

 70,325 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 15,989 total views

 15,989 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,957 total views

 1,957 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,645 total views

 30,645 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,760 total views

 40,760 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,337 total views

 50,337 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,326 total views

 70,326 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,331 total views

 47,331 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,356 total views

 42,356 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,925 total views

 45,925 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,380 total views

 58,380 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,447 total views

 69,447 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,766 total views

 75,766 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,378 total views

 80,378 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,938 total views

 81,938 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,499 total views

 47,499 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top