25,687 total views
Nakiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa paninindigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang tutulan ang mga inisyatibong baguhin ang 1987 constitution.
Ayon sa CEAP, malinaw na panlilinlang sa mga Pilipino ang isinagawang signature campaign ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) dahil bilang katoliko at pang-edukasyon na institusyon ay mahalagang maipaalam muna sa mamamayan kung ano at bakit sila nangongolekta ng lagda.
Naunang napaulat na nakatanggap ng pera ang mamamayan kapalit ng kanilang lagda sa People’s Initiative.
“We deplore the surreptitious gathering of signatures in exchange for money in an attempt to show that Filipino citizens want to change the Constitution. This so-called “People’s Initiative” is a clear deception against the Filipino people and a brazen insult to the bedrock of our democracy. As an organization of academic institutions, we are committed to active advocacy and engagement. We cannot remain passive when the common good and the foundations of our democracy are in jeopardy,” ayon sa mensaheng ipinadala ng CEAP sa Radio Veritas.
Iginiit ng CEAP na pagsasayang lamang sa pondo ng bayan ang pagsusulong ng charter change sa halip na ilaan ito para sa kapakanan ng mga mahihirap.
Tinukoy din ng CEAP ang kahalagahan na matugunan ang suliranin ng korapsyon sa halip na pansariling interes lamang ng mga politiko at negosyante.
“It is being pursued solely for the self-interest of those in power. They may employ euphemisms and sugarcoat their statements, but the truth will not be denied: they are the beneficiaries of the proposed Charter Change and never the Filipino citizens. Thus, we urge all our member schools to counsel all stakeholders to be keenly mindful, prayerful, discerning, and open to the promptings of the Holy Spirit, While the journey may be challenging and intricate, let us unite with our Lord Jesus Christ, making every step a testament to faith and fortitude,” ayon pa sa ipinadalang mensahe ng CEAP.
Naunang nagpahayag ng pagtutol si Tagbilaran Bishop Alberto Uy, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, Legazpi Bishop Joel Baylon at Dipolog Bishop Severo Caermare, Prelature of Batanes Bishop Dabilo Ulep laban isinusulong na signature campaign para amyendahan ang 1987 constitution.