Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 13,043 total views

6th Sunday of Ordinary Time
World Day of the Sick
Lev 13:1-2.44-46 1 Cor 10:31-11:1 Mk 1:40-45

Noong February 11, 1858 si Bernadette Soubirous, kasama ng dalawa pang batang babae ay pumunta sa may grotto ng Masabiel upang manguha ng panggatong. Bigla na lang may malakas na hangin mula sa grotto at doon nakakita si Bernadette ng isang magandang babae. Siya lang ang nakakita nito. Ito na ang simula ng labing walong pagpapakita ng Mahal na Birhen sa kanya sa grottong iyon. Ang Mahal na Birhen ay nagpakilala sa kanya na siya ang Imakulada Concepcion. Si Maria na Imaculada Concepcion, na ibig sabihin ay pinaglihi na walang kasalanan, ay idiniklara na dogma, na ang ibig sabihin ay dapat paniwalaan ng mananampalataya na totoo, nuong 1854 lamang. Ang Masabiel ay nasa maliit na barrio ng Lourdes. Mula noon, naging tanyag ang Lourdes na puntahan ng mga mananampalataya, lalo na ng mga may sakit dahil sa maliit na batis na pinahukay ng Mahal na Birhen kay Bernadette. Mula sa batis na ito na ngayon ay malaki na, marami ang napapagaling. Ngayon, kilalang-kilala ang Lourdes na puntahan ng mga may sakit, ng mga gustong tumulong sa mga may sakit, ng mga gustong magdasal, at ng iba’t ibang mga tao na may dalang mga kahilingan sa Diyos o gustong magpasalamat sa kanya.

Milyong-milyon ang mga tao na pumupunta doon taon-taon. Dahil dito idineklara ang February 11 na World Day of the Sick. Hindi man tayo makapunta sa Lourdes sa araw na ito, bigyan nating halaga ang mga may sakit. Sinabi ni Jesus na papapasukin tayo sa kanyang kaharian kasi siya ay may sakit at inalagaan natin siya. Sa ating pagkalinga sa mga may sakit, si Jesus ang ating pinaglilingkuran, kahit na ang mga may sakit ay mahina na at makulit pa. Sa misa natin ngayon, itaas natin sa Diyos ang kahirapan ng mga may sakit, lalo na iyong mga kamag-anak at kakilala natin. Ipagdasal din natin ang mga doctor, mga nurses at mga care-givers na nangangalaga sa kanila.

Ngayong Linggo, ang mga pagbasa natin ay tungkol sa isang sakit na kinatatakutan noong panahon, ang sakit na ketong. Nakakatakot ang sakit na ito kasi nakikita ang sintomas ng karamdaman. Naaagnas ang balat ng may sakit. Nakakadiri itong tingnan. Noong unang panahon, ito ay walang lunas at pinaniniwalaang nakakahawa pa. Wala silang magawa sa mga may ketong kundi ilayo sila sa lipunan. Ang mga taong may sugat na hindi gumagaling at kumakalat ay dapat dalhin sa pari ng mga Israelita. Susuriin ng pari ang sugat o ang pagbabago ng kulay ng balat at siya ang madedeklara na ito ay ketong. Ang may ganitong karamdaman ay ilalayo sa sambayanan. Palagi siyang sisigaw na “Ketong! Ketong!” kapag may lumalapit sa kanya upang siya ay layuan.

Si Jesus ay ang anak ng Diyos na naging tao at siya ay dumating upang magbigay ng kaligtasan, kasama na dito ang pagalingin ang mga may karamdaman. Ito ay pinakita niya sa ating ebanghelyo ngayon. Hindi niya nilalayuan ang may pangangailangan, kahit na ang may ketong. Lumapit pa nga siya at hinipo ang ketongin. Bawal ito para sa mga Hudyo. Magiging madumi ang may contact sa may ketong. Bakit niya ginawa ito? Kasi siya ay mahabagin. Nahabag siya kaya lumapit siya. Ang mahalaga sa kanya ay hindi ang sasabihin ng iba kundi ang pangangailangan ng may sakit.

Napakaganda ang sinabi ng may ketong sa kanya. “Kung gusto mo, mapapagaling mo ko.” May pananampalataya ang ketongin kay Jesus. Naniniwala siya sa kanyang kapangyarihan. May kakayahan siya. Gusto ba niyang gamitin ang kakayahan niya? Napakasarap ng sagot ni Jesus: “Gusto ko! Gumaling ka!” Nilapitan, hinipo at pinagaling siya ni Jesus. Mahabagin siya, may kakayahan siyang tumulong, at tumutulong siya! Iyan ang ating Panginoong Jesus.

Ginalang din ni Jesus ang kaugalian ng mga Hudyo. Hindi lang sapat na gumaling ang ketong. Kailangan maibalik uli siya sa komunidad. Kaya pinapunta niya ang taong gumaling sa pari upang magpatotoo ito na talagang magaling na siya at mag-alay siya ng handog para makabalik na siya sa komunidad.

Pinagbawalan ni Jesus na ibalita ang milagrong ito sa mga tao. Ayaw niyang maging sikat, at ang tao ay lumapit lamang sa kanya dahil sa sikat siya, na isa na siyang star. Hindi naman siguro natin masisisi ang taong gumaling. Sa kanyang labis na tuwa, hindi niya mapigilang ipahayag na siya ay wala nang ketong. Nalaman ito ng mga tao at dinumog na si Jesus ng madla, kaya hindi na siya makapasok sa mga lunsod. Nanatili na lang siya sa mga ilang na lugar, pero kahit na doon, pinupuntahan pa rin siya ng mga tao.

Ang ketong ay nagagamot na ngayon. Kaya ang isla ng Culion na pinagtatapunan ng mga ketongin mula pa noong 1906 ay bukas na ngayon mula lang nuong 1992, at may mga turista na na pumupunta doon. Magagamot na ang ketong, pero ngayon ay may mga karamdaman pa rin na kinatatakutan ng mga tao at wala pang gamot na natutuklasan. Isa na riyan ay ang HIV-AIDS. Wala pang gamot dito. Ito ay nakakahawa din at nilalayuan ng mga tao ang may sakit ng ganito, hindi lang sa ito ay nakakahawa at nakamamatay, kundi tingin nila na makasalanan sila. Kadalasan nakukuha ang sakit na ito dahil sa sexual activities. Huwag na nating usisain paano nagka-HIV ang isang tao. Sa halip, tulungan natin siya. Mahabag tayo sa kanila at tanggapin natin sila sa ating pamilya at sa ating sambayanan. Pero maging maingat tayo, lalo na dito sa Palawan. Wine-welcome natin ang mga turista pero kilalanin din natin na mayroong negative side ang tourism. Nagdadala din ito ng iresponsableng sexual activities. Iwaksi natin ito. Huwag ipagbili ang katawan para lamang pagkakakitaan o sa kaaliwan.

Ang lahat ng may sakit ay tulungan natin. Ang mensahe ng World Day of the Sick ngayon ay: “Hindi maganda na ang tao ay mag-isa.” Iyan ang nararanasan ng maraming may sakit, lalo na kung malubha na ang kanilang kalagayan – parang iniiwanan na sila. Madalas mag-isa na lang sila. Iyan din ang nararamdaman ng may HIV. Hindi man tayo mga doctor o care giver na direktang makagagamot sa kanila, maipaparamdam nating lahat na hindi nag-iisa ang mga may sakit. Nandiyan tayo, binibisita sila, tinatanggap sila at tinutulungan sila. Maari pa nga na tayo ang makapagpaparamdam sa kanila ng presensiya ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 18,200 total views

 18,200 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 32,856 total views

 32,856 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,971 total views

 42,971 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 52,548 total views

 52,548 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 72,537 total views

 72,537 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 4,929 total views

 4,929 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,026 total views

 6,026 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,631 total views

 11,631 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,101 total views

 9,101 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,149 total views

 11,149 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,477 total views

 12,477 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 16,723 total views

 16,723 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,151 total views

 17,151 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,211 total views

 18,211 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,521 total views

 19,521 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,250 total views

 22,250 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,436 total views

 23,436 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,916 total views

 24,916 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,326 total views

 27,326 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,604 total views

 30,604 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top