23,959 total views
Pagpapalakas sa misyon ng ebanghelisasyon at gawain sa buong simbahang katolika.
Ito ang tugon ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization kasabay ng pagtanggap sa Order of Legion of Honor na iginawad ng France.
Ayon kay Cardinal Tagle bagamat sinabi ng Pransya na ginawaran ito ng pinakamataas na pagkilala dahil sa kanyang mga gawain ng pagmimisyon sa tanggapan sa Roma ito ay isang hamong dapat higit na palawakin ang paglilingkod sa simbahan.
“I interpret this not so much as a recognition of my personal work, but as an affirmation of the mission of the whole Church called evangelization. This recognition impels us to consistently and joyfully share Jesus and His gospel to all peoples through word, prayer, and the service of charity and human development,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.
Tinuran din ni Cardinal Tagle na ang pagkilala ay malaking hamon na kanyang gagampanan sapagkat ito ay maituturing na bahagi ng isang malaking samahan kaya’t ito rin ay kanyang iniaalay sa mga patuloy na naglilingkod sa misyon.
“I accept this recognition in the name of the countless men and women who have served and continue to serve the evangelizing mission of the Church. They are legion! In a special way I thank the priests, religious men and women, societies of apostolic life, mission societies from courageous lay people from France who have gone to the ends of the earth to proclaim the Gospel,” ani ng cardinal.
Kinilala ng opisyal si French Blessed Paulin Jaricot na tagapagtatag ng Society for the Propagation of the Faith o mas kilala sa kasalukuyan na Pontifical Mission Society for the Propagation of the Faith na sumusuporta sa mga misyonero sa iba’t ibang bahagi ng daigdig gayundin si Fr. Matthieu Dauchez na nangangasiwa sa Anak Foundation at ng Tulay ng Kabataan.
Matatandaang pinangunahan ni Cardinal Tagle ang rito ng beatification ng beata sa Lyon France noong May 2022.
Iginawad ni French Ambassador to the Vatican Florence Mangin sa ngalan ni French President Emmanual Macron ang Order of Legion of Honour kay Cardinal Tagle nitong February 15 sa French Embassy sa Vatican.
Kabilang sa dumalo sa pagdiriwang ang kapatid ni Cardinal Tagle na si Manuel Tagle, Philippine Ambassador to the Vatican Maila Macahilig, Philippine Ambassador to Italy Nathaniel Imperial at mga kinatawan ng Filipino Religious Congregations kabilang ang La Salle, Dominican at Adorno Fathers.