3,305 total views
Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B)
Genesis 9, 8-15
Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9
Poon, iyong minamahal
ang tapat sa iyong tipan.
1 Pedro 3, 18-22
Marcos 1, 12-15
First Sunday of Lentย (Violet)
UNANG PAGBASA
Genesis 9, 8-15
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis
Ito ang sinabi ng Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak, โAkoโy nakikipagtipan sa inyo ngayon, pati na sa inyong magiging mga anak, gayun din sa lahat ng mga bagay na may buhay sa pagligid ninyo โ mga ibon, maaamoโt maiilap na hayop na kasama ninyo sa daong. Ito ang masasabi ko sa aking pakikipagtipan sa inyo: Kailanmaโy hindi ko na lilipulin sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay. Wala nang baha na gugunaw sa daigdig.โ Sinabi pa ng Diyos, โIto ang magiging palatandaan ng walang hanggang tipan na ginagawa ko sa inyo at sa lahat ng hayop: Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahag-hari at iyan ang magiging tanda ng aking pakikipagtipan sa inyo. Tuwing magkakaroon ng ulap at lilitaw ang bahaghari, aalalahanin ko ang aking pangako sa inyo at sa lahat ng hayop. Hindi ko na lilipulin sa baha ang lahat ng may buhay.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9
Poon, iyong minamahal
ang tapat sa iyong tipan.
Ang kalooban moโy ituri, O Diyos,
ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan
ituro mo, Poon, ang katotohanan;
Tagapagligtas ko na inaasahan.
Poon, iyong minamahal
ang tapat sa iyong tipan.
Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas,
at ang kabutihang noon paโy nahayag.
Pagkat pag-ibig moโy hindi nagmamaliw,
ako sana, Poon, ay alalahanin!
Poon, iyong minamahal
ang tapat sa iyong tipan.
Mabuti ang Poon at makatarungan,
sa mga salariโy guro at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban.
Poon, iyong minamahal
ang tapat sa iyong tipan.
IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 3, 18-22
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro
Pinakamamahal kong mga kapatid:
Si Kristoโy namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat โ ang walang kasalanan para sa mga makasalanan โ upang iharap kayo sa Diyos. Siyaโy namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu. Sa kalagayang ito, pinuntahan niya at inaralan ang mga espiritung nakabilanggo. Iyan ang mga espiritung ayaw sumunod nang silaโy matiyagang hinihintay ng Diyos noong panahon ni Noe, samantalang ginagawa nito ang daong. Sa tulong ng daong na itoโy iilang tao โ wawalo โ ang nakaligtas sa baha. Ang tubig ay larawan ng binyag na nagliligtas ngayon sa inyo. Ang binyag ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng binyag sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo, na umakyat sa langit at ngayoโy nakaluklok sa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga anghel at sa mga kapangyarihan at lakas na panlangit.
Ang Salita ng Diyos.
AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 4b
Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama Dating Maykapal.
MABUTING BALITA
Marcos 1, 12-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, si Hesus ay agad pinapunta ng Espiritu sa ilang. Nanatili siya roon ng apatnapung araw, na tinutukso ni Satanas. Maiilap na hayop ang naroon ngunit si Hesus ay pinaglilingkuran ng mga anghel.
Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: โDumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyoโt talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita ito.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Sa mga panimula ng ating lakbayin sa Kwaresma, pagsikapan nating tugunan ang paanyaya ng Panginoon. Sa harap ng ating mga pagkukulang at kahinaan, manalangin tayo:
Panginoon, dinggin mo kami!
Para sa buong Simbahang laging nangangailangang magbalik-loob: Nawaโy sundin niya ang Espiritu sa pagtanggi sa lahat ng pang-aakit ni Satanas. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at lahat ng ating mga pinunong espirituwal: Nawaโy magtagumpay ang kanilang mga pagsisikap na mailapit ang mga tao kay Hesus sa panahong ito ng Kuwaresma. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng mga migranteng manggagawa sa buong mundo: Nawaโy igalang sila at pagkalooban ng katarungan, at muling makapiling ng kani- kanilang mga pamilya. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa: Nawaโy pahalagahan nila ang kanilang karangalan at pananampalataya, at manatili silang tapat sa kanilang mga mahal sa buhay. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng namamatnubay sa mga retreat at recollection: Nawa silaโy maging tapat na tinig na nag-uulit ng mensahe ni Hesus para sa tunay na pagbabalik-loob. Manalangin tayo!
Para sa ating lahat: Nawaโy ang panahon ng Kuwaresmang ito ay maging pagkakataon para sa ating tapat na pagtitika at mabungang pagbabalik-loob. Manalangin tayo!
Panginoong Hesus, biyayaan mo kaming lagi naming mapaglabanan ang mga tukso ng demonyo at mamuhay alinsunod sa Ebanghelyong iyong ipinangaral. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Amen!