Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, PEBRERO 29, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,322 total views

Huwebes sa Ika-2 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jeremias 17, 5-10
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Lucas 16, 19-31

Thursday of the Second Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jeremias 17, 5-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Sinasabi ng Panginoon,
“Parurusahan ko ang sinumang tumatalikod sa akin,
at nagtitiwala sa kanyang kapwa,
sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay.
Ang katulad niya’y halamang tumubo sa ilang,
sa lupang tigang, at sa lupang maalat na walang ibang tumutubo;
walang mabuting mangyayari sa kanya.
“Ngunit maligaya ang taong nananalig sa Panginoon,
pagpapalain ang umaasa sa kanya.
Ang katulad niya’y halamang nakatanim sa tabi ng batisan,
ang mga ugat ay patungo sa tubig;
hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init,
sapagkat mamamalaging luntian ang mga dahon nito,
kahit di umulan ay wala itong aalalahanin;
patuloy pa rin itong mamumunga.
“Sino ang makauunawa sa puso ng tao?
Ito’y magdaraya at walang katulad;
Wala nang lunas ang kanyang kabulukan.
Akong Panginoon ang sumisiyasat sa isip
at sumusubok sa puso ng mga tao.
Ginagantihan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay,
at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Lucas 8, 15

Mapalad ang nag-iingat
sa kanyang pusong matapat
ng Salitang nagbubuhat
sa Poong D’yos ng liwanag,
sa t’yaga’y aaning ganap.

MABUTING BALITA
Lucas 16, 19-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling ni Lazaro. At sumigaw siya, ‘Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro’y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo’y inaaliw siya rito, samantalang ikaw nama’y nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.’ At sinabi ng mayaman, ‘Kung gayun po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat ako’y may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang balaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.’ ‘Hindi po sapat ang mga iyon,’ tugon niya, ‘ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.’ Sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Habang inaalaala natin ang mga pangangailangan ng mga dukha, lumapit tayo sa ating Diyos na nagbahagi sa lahat ng kanyang kayamanan sa pagsusugo ng kanyang Anak sa mundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha, pagpalain Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y ipadama ang habag ni Kristo sa mga dukha na nagpupunyagi para sa isang higit na makatarungang lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga natutuksong maging alipin ng kayamanan at kapanatagang dulot ng mga materyal na bagay nawa’y makaunawa na nagmumula ang espiritwal na kahirapan sa pagtangging magbahagi sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y tumanggap ng biyayang magpakita ng awa at habag, pag-unawa at pagiging bukas-palad sa mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y palakasin ng init ng mapagmahal na presensya ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makabahagi sa kaligayahan at kapayapaan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sa iyong pag-ibig at habag, puspusin mo kami ng iyong nag-uumapaw na kabutihang-loob at tulungan kaming dumamay sa mga kapuspalad. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 7,420 total views

 7,420 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,543 total views

 14,543 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 21,746 total views

 21,746 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 27,100 total views

 27,100 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,706 total views

 34,706 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Martes, Setyembre 10, 2024

 133 total views

 133 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 493 total views

 493 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 856 total views

 856 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 1,268 total views

 1,268 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 1,582 total views

 1,582 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 2,291 total views

 2,291 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 2,547 total views

 2,547 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 2,929 total views

 2,929 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 3,344 total views

 3,344 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 4,001 total views

 4,001 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »

Sabado, Agosto 31, 2024

 4,005 total views

 4,005 total views Sabado ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 1, 26-31 Salmo 32, 12-13. 18-19. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Mateo 25, 14-30 Saturday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on

Read More »

Biyernes, Agosto 30, 2024

 4,442 total views

 4,442 total views Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 1, 17-25 Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos. Mateo 25, 1-13 Friday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 1, 17-25 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Read More »

Huwebes, Agosto 29, 2024

 4,620 total views

 4,620 total views Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Marcos 6, 17-29 Memorial of the Passion of Saint John the Baptist (Red) UNANG PAGBASA Jeremias 1, 17-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Noong mga

Read More »

Miyerkules, Agosto 28, 2024

 4,887 total views

 4,887 total views Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan 2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18 Salmo 127, 1-2. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Mateo 23, 27-32 Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Memorial of Saint Augustine, Bishop and Doctor of the Church (White) UNANG

Read More »

Martes, Agosto 27, 2024

 5,155 total views

 5,155 total views Paggunita kay Santa Monica 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17 Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13 Panginoo’y paririto upang hatulan n’ya tayo. Mateo 23, 23-26 Memorial of St. Monica, Married Woman (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17 Pagbasa mula sa ikalawang sulat

Read More »
Scroll to Top