29,084 total views
Iginiit ni Romblon Bishop Narciso Abellana na dapat makikita sa mamamayan ang kabanalan ng isang simbahan.
Ito ang pahayag ng pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Pastoral Care of Migrants and Itinerant People sa ginanap na 28th National Assembly ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines sa Lipa Batangas.
Inihayag ni Bishop Abellana na dapat maipakikita sa kapwa ang diwa ng pagdidebosyon lalo na ng mga simbahang itinalagang shrine at dinadayo ng mga perigrinong nagnanais maramdaman ang diwa ng habag at pag-ibig ng Panginoon.
“Our devotion should change our lives and should be the concrete works of love with our brothers and sisters… As we come to these shrine and basilicas, we come to remember that the sanctity of the church is not only by the recognition of others, the sanctity is in the people.” pahayag ni Bishop Abellana.
Ipinayo naman ni Lipa Archdiocesan Social Action Commission Executive Director, Fr. Jayson Siapco na dapat pagsikapan ng mga shrine sa bansa na paigtingin ang paglingap sa bawat mananampalatayang dumudulog sa mga dambana at tunay na maakay tungo sa landas ni Hesus.
“It is tempting for shrines especially kapag maraming devotees at maraming pilgrims … to get everything but as shrines it is a challenge for us to be committed to stretch, to extend our hands.” ayon kay Fr. Siapco.
Sa datos ng A-C-S-P, 394 ang mga delegadong dumalo sa national assembly mula sa 132 shrines sa 40 mga diyosesis sa bansa.
Hamon naman ni Archdiocese of Lipa Vicar General Msgr. Ruben Dimaculangan sa namumuno sa mga shrine at pilgrim churches sa Pilipnas na pagsikapang isabuhay sa araw-araw ang habag at awa ng Panginoon.
“Thanks to the shrines, which as centers and powerhouses of God’s endless love, help make the works of God’s mercy concrete every day.” ani Msgr. Dimaculangan.
Taong 1991 nang itatag ang A-C-S-P bilang pastoral desk ng CBCP sa mga shrines and pilgrimages sa ilalim ng migrants’ ministry commission.
Bukod sa daan-daang shrine sa mga diyosesis at arkidiyosesis, may 29 na national shrine ang Pilipinas kabilang ang nag-iisang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ng Diocese of Antipolo.