26,649 total views
Itinuring na biyaya mula sa Panginoon ang paglilingkod sa kapwa. Ito ang pahayag ni Cebu Archdiocesan Commission on the Laity President Fe Barino makaraang mahalal bilang kasapi ng international body ng Catholic Charismatic Renewal International Service or CHARIS.
Ayon kay Barino isang malaking hamon at pagkakataong maging kinatawan ng Asya sa Vatican lalo na’t tinaguriang sentro ng kristiyanismo ang lalawigan ng Cebu.
“It is a grace to be of service. I felt blessed and honored to be a part of the international body of the Catholic Charismatic Renewal, representing a voice from Cebu, the cradle of Christianity in Asia, and the Philippines, the 3rd largest Catholic Country in the world,” mensahe ni Barino sa Radio Veritas.
Naihalal si Barino sa 18-member council ng CHARIS na maging kinatawan ng Asya kasama si Cyril John ng India.
Bilang kasalukuyang national president ng CHARIS Philippines dumalo si Barino sa kauna-unahang pagpupulong ng CHARIS International na ginanap sa Vatican noong Oktubre 2023 kung saan isinagawa ang botohan para sa international body.
“We are responsible to report and to monitor what is happening in Asia in as far as the Catholic Charismatic Renewal in the Church,” ani Barino.
Nitong February 29 ay inilabas ng Dicastery for Family and Life ang opisyal na talaan ng mga kabilang sa International Service of Communion of CHARIS na mangangasiwa hanggang sa 2027.
Itinatag ang CHARIS noong 2019 na layong tugunan ang pangangailangan at pagbuklurin ang Catholic Charismatic Renewal ng simbahan.
“We are all volunteers. We organize events that connects relationships among nations,” dagdag ng opisyal.
Nasa pangangalaga ni Papal Preacher Capuchin Cardinal Raniero Cantalamesa ang CHARIS bilang ecclesiastical adviser katuwang si Portland Oregon Auxiliary Bishop Peter Leslie Smith na ecclesiastical assistant habang moderator naman si Argentinian Pino Scafuro.
Sa pagtitipon ng 4, 000 kasapi ng CHARIS noong Nobyembre sa Vatican hinikayat ito ni Pope Francis na makiisa sa misyon ng simbahan lalo na ang pagtataguyod sa mga karisma tungo sa iisang hangaring maglingkod sa simbahan.