28,830 total views
Nagpaabot ng paghanga si Ambassador of the Swiss Confederation to the Philippines Nicolas Brühl sa Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation para sa mga naiwang kapamilya ng mga biktima ng marahas na laban kontra ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Personal na nakibahagi at nagpahayag ng suporta si Ambassador Bruhl sa pagtatanghal ng Teatro ng Kabataan sa ilalim ng Teatro Paghilom na may titulong “Pasyon. Paghilom. Pagbangon.” sa direksyon ni Alberto Saldajeno Jr.
Ayon sa kinatawan ng Swiss Confederation sa Pilipinas, kahanga-hanga ang programa na nagbibigay ng pag-asa at nagsisilbing boses para sa patuloy na paghahanap ng katarungan ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ng extra judicial killings.
“I’m really really impressed and we are happy that from the international community that we can support Fr. Flavie [Villanueva] for this and I’m really personally impressed what you are doing and I wish you all the best and I think it’s important that and was mentioned that we have to voice to have to say something. We should never be silent about this, it’s a serious issue but on the other hand, have laughs and this is for no longer crying, laugh and humour is very important so thank you so much from all of us.” Bahagi ng pahayag ni Ambassador Bruhl.
Naganap ang pagtatanggal sa Adamson University Theater noong ika-13 ng Marso, 2024 sa pakikipagtulungan ng Adamson University Cultural Affairs Office.
Taong 2016 ng sinimulan ni Rev. Fr. Flavie Villanueva l.
“Paghilom Program” ng Arnold Janssen Kalinga Foundation upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng dating administrasyong Duterte.
Sa kasalukuyan may mahigit na sa 300 ang bilang ng mga pamilyang kinakalinga ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na nangangasiwa rin sa pagtatayo ng Dambana ng Paghilom upang magsilbing huling hantungan ng mga nasawi sa marahas na kampanya kontra illegal na droga.