14,589 total views
Pinangunahan ni Caritas Philippines President Jose Colin Bagaforo ang Groundbreaking ceremony para sa Caritas Philippines Convention Center (CPCC) sa CBCP Development Center, Tagaytay City.
Ayon kay Bishop Bagaforo, layunin ng proyekto na magsilbing lugar sa pagdaraos ng iba’t ibang gawain ng social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Tinatayang nasa P100-milyon ang inilaang pondo para sa CPCC na may kakayahang tumanggap ng 1,000 katao, at inaasahang matatapos sa December 2024.
“Ang project nating ito ay tugon sa maraming suggestions and recommendations na nanggaling sa ating partners and clients natin na gumagamit nitong Caritas Development Center na sana mayroong isang malaking lugar na can accomodate a convention mga around 800-1000 people,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.
Kasama ni Bishop Bagaforo sa seremonya ang mga kawani ng Caritas Philippines at ng construction firm na OCM Steel Corporation, sa pangunguna ni Engr. Oscar Mercado, na siyang mamamahala sa itatayong CPCC.
Nagpapasalamat naman si Bishop Bagaforo sa Board of Trustees at partners ng institusyon upang maisakatuparan at masimulan ang planong convention center.
Dagdag pa ng obispo na inaasahang sa hinaharap ay magagamit din ang CPCC para sa mga pagpupulong ng mga obispo ng bansa tulad ng CBCP Plenary Assembly.
“In the future, sabi ng mga members of the board na mga obispo rin ay maaaring ang mga pagpupulong ng mga obispo, ang biannual assembly ng CBCP ay maaari nang gawin dito sa Tagaytay City. Afterall, ang may ari nito ay ang CBCP through the Caritas Philippines,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Hiling naman ng obispo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin upang epektibong maisulong ang mga layunin at inisyatibo ng Caritas Philippines para sa