Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasiyahang kapalit ng inosenteng buhay?

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Mga Kapanalig, maliban siguro sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Nina sa Bikol at mga kapatid nating nawalan ng bahay dahil sa malaking sunog sa Quezon City, maraming Pilipino ang masayang sinalubong ang taóng 2017. Hindi pa rin nawala ang nakasanayan ng ilan sa ating magpaputok, sa paniniwalang itinataboy ng mga ito ang malas sa ating buhay.

May ilan namang sa halip na mga paputok o firecrackers ang sindihan, baril ang kanilang ginamit sa pag-iingay. At kasabay ng pagpasok ng bagong taon ang nakakalungkot na balita tungkol sa mga tinamaan ng ligaw na bala o stray bullet. Dito sa Metro Manila, tatlong kaso ang naitala, at dalawa sa kanila ay mga bata.

Kamakailan, isa sa mga biktima ng walang saysay na pagpapaputok ng baril ang binawian ng buhay. Si Emilyn Villanueva Calano, labinlimang taong gulang at iskolar, ay nanonood lamang ng mga pailaw o fireworks sa labas ng kanilang bahay sa Malabon nang siya ay tamaan ng bala. Tatlong araw siyang na-comatose. Hindi nagawang tanggalin ng mga doktor ang bala sa kanyang ulo dahil sa maselan niyang kalagayan, at noong Miyerkules ng gabi ay pumanaw si Emilyn. Bagama’t bigong maglabas ng kautusan ang pamahalaan upang tuluyan nang i-ban ang paggamit ng paputok sa tuwing sasapit ang bagong taon, ninais na lamang ng PNP at DOH ang zero casualty sa pagsalubong ng bagong taon; hindi ito natupad sa pagkamatay ni Emilyn.

Bakit nga ba may mga kababayan tayong nagpapaputok ng baril kapag bagong taon? Hindi pa ba sapat ang pag-iingay gamit ang mga torotot at ang mga pampublikong fireworks display? Kailangan bang may buhay na maging kapalit ang ating kasiyahan?

Sinasalamin ng iresponsableng paggamit ng baril—kahit pa sa panahon ng kasiyahan gaya ng pagdiriwang ng bagong taon—ang pagkiling ng ilan sa atin sa karahasan. Ang pagkamatay ni Emilyn, gayundin ng ibang mga inosenteng batang biktima ng ligaw na bala, ay masakit at masaklap na paalaala sa atin tungkol sa kawalan ng saysay ng karahasan. Sa maraming bahagi ng daigdig, mga bata ang pinakaapektado ng karahasan, karahasang nag-uugat sa pagkamakasarili ng tao. Buhay at kinabukasan ng mga bata ang isinasakripisyo ng mga taong ginagamit sila upang kumita sa prostitusyon, sapilitang paggawa, at pagtutulak ng droga. Ang mga pangrap ng mga bata ang ninanakaw ng mga digmaan. Nakalulungkot na dito sa atin, ang mga gawing katulad ng pagpapaputok ng baril sa ngalan ng kasiyahan at tradisyon ay nagiging dahilan ng kanilang maagang kamatayan.

Sa isang sulat noong Kapistahan ng mga Sanggol na Walang Malay o Niños Inocentes, inanyayahan ni Pope Francis ang mga obispo na sa kanilang pagninilay sa imahe ng sanggol sa sabsaban ay mapagnilayan rin nila ang hapis ng mga nagdurusa, na masdan at pakinggan ang nagaganap sa kanilang paligid, at buksan ang kanilang mga puso sa pighati ng mga tao, lalo na sa gitna ng mga masasakit na pangyayaring ang biktima ay mga bata.

Ito rin po ang tawag sa ating lahat. Sa masaklap na sinapit ni Emilyn, hindi tayo dapat magbingi-bingihan sa tawag ng katarungan. Huwag tayong maging manhid sa sakit na nararamdaman ng kanyang pamilya. Sikapin nating pangalagaan ang mga bata laban sa mga nagnanakaw ng kanilang saya, kamusmusan, at buhay. Ipanalangin nating mabilis na mabigyan ng hustisya si Emilyn at ang iba pang katulad niyang namatay dahil sa iresponsableng paggamit ng baril ng mga taong sariling kasiyahan lamang ang inisip. Panawagan sa ating pamahalaan: mas paigtingin pa sana ang pagkontrol sa pagkakaroon at paggamit ng mga baril ng mga mamamayan.

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang manakaw ang saya, dignidad, at mismong buhay ng ating kapwa, lalo na ng mga bata, sa ngalan lamang ng pagsunod sa mga baluktot na paniniwala.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 7,173 total views

 7,173 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 57,736 total views

 57,736 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 6,544 total views

 6,544 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 62,917 total views

 62,917 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 43,112 total views

 43,112 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 7,174 total views

 7,174 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 57,737 total views

 57,737 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 62,918 total views

 62,918 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 43,113 total views

 43,113 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 43,450 total views

 43,450 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 52,131 total views

 52,131 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 66,893 total views

 66,893 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 74,008 total views

 74,008 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 48,138 total views

 48,138 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 47,910 total views

 47,910 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 47,611 total views

 47,611 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 39,945 total views

 39,945 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 79,525 total views

 79,525 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 87,079 total views

 87,079 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 82,962 total views

 82,962 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top