36,515 total views
Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril.
Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan.
Ayon kay Padilla, malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan hindi lamang para sa lipunan kundi maging para sa Simbahan.
Partikular ding kinilala ni Padilla ang pambihirang dedikasyon at pagsusumikap ng mga kababaihan na maisakatuparan ang mga gawaing lalo na para sa pagsasakatuparan ng misyon ng Simbahan na maging daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan.
“The Sangguniang LAIKO ng Pilipinas is one in prayer with Pope Francis on the role of women in the Church. Dito sa Pilipinas mahalaga ang role ng mga babae sa Simbahan. Maraming nagagawa and nangyayari sa mga gawain sa Simbahan dahil sa passion and dedication ng mga babae.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radio Veritas.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Padilla sa pagbibigay pansin at pangunguna ni Pope Francis sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kababaihan para bigyang tapang at lakas na i-ambag ang mga katangian at kakayaha sa ikakauunlad ng lipunan.
“Masaya ang LAIKO na nakikita ni Pope Francis na kailangan ng dasal at focus ang mga babae, para ma-encourage pa sila lalo at marami pang magagawa.” Dagdag pa ni Padilla.
Nakapaloob sa prayer intention ni Pope Francis para sa buwan ng Abril ang paanyaya sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan ng mga kababaihan sa lipunan.
Ayon sa Santo Papa Francisco, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat upang protektahan ang mga karapatan, kapakanan at dignidad ng mga kababaihan na kadalasang naisasantabi at dumaranas ng iba’t ibang diskriminasyon sa lipunan