27,178 total views
Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila – Office of Communications (AOC)ang mamamayan lalo na ang mga tanggapan at institusyon na nagdiriwang ng Banal na Misa sa labas ng mga simbahan na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na pari ng Roman Catholic.
Nababahala si National Shrine of the Sacred Heart Team Ministry Member, AOC Director Fr. Roy Bellen sa paglaganap ng mga indibidwal na non-Roman Catholic at hindi kaisa ng Santo Papa at sa buong Roman Catholic Church na nagdiwang ng mga misa at naggawad ng mga sakramento sa mga pamayanan.
“We would advise, therefore, those who wish to celebrate mass in their respective offices or schools, to follow the suggested protocols. Apart from preparing a conducive place for the celebration to help the attendees dispose internally and to actively participate, the organizers also need to coordinate beforehand with the respective parish that serves the ecclesiastical jurisdiction to inform them about the mass that is to be celebrated and who will be the presiding priest,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radio Veritas.
Ginawa ng pari ang paalala nitong April 5, unang Biyernes sa buwan ng Abril kung saan nakaugalian ang pagsasagawa ng mga First Friday masses sa mga opisina, eskwelahan at iba pang institusyon para sa debosayon ng mga Pilipino sa Most Sacred Heart of Jesus.
Sinabi ni Fr. Bellen na mahalagang malaman ng mga parokyang nakakasakop sa lugar na pagdarausan ng misa sa labas ng simbahan upang matukoy kung lehetimong pari ng Roman Catholic Church ang punong taga-pagdiwang at maiwasang mabiktima sa mga nagpapanggap na indibidwal.
Dagdag pa ng opisyal na dapat maging mapagmatyag ang bawat isa lalo sa pag-imbita ng mga paring manguna sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kani-kanilang mga lugar at mahalagang hingin ang celebret ng mga pari na may lagda ng obispo ng kinabibilangang diyosesis upang matiyak ang pagkakilanlan at pagiging lehetimo.
“It is therefore of great importance for organizers of the Catholic masses outside the church to coordinate closely with their respective parishes for their own assurance and for the protection of the Holy Sacrament,” giit ni Fr. Bellen.
Gayunpaman, nilinaw ni Fr. Bellen na iginagalang nito ang ibang denominasyon subalit nanindigang hindi dapat gamitin ang pangalan ng Roman Catholic Church.
“As much as we respect ministers of other denominations or sects, it is very saddening when they pretend and project themselves as Roman Catholic priests and with the intention to mislead a Roman Catholic congregation or mass attendees,” saad pa ni Fr. Bellen.
Kamakailan ay pinuna ng mamamayan ang student council ng Far Eastern University makaraang maimbitahan at pamunuan ng nagngangalang Fr. Paolo Cobangbang ang misa.
Si Cobangbang ay hindi pari ng Roman Catholic Church kundi mula sa grupong ‘Old Roman Catholic’ na hindi in full communion sa Santo Papa sa Vatican.